Monday , December 23 2024
OFW kuwait

Angara sa gobyerno: Seguridad ng uuwing OFWs mula Kuwait tiyakin

MULING nanawagan si Senador Sonny Angara sa gobyerno na kung  maaari ay gawing klaro ang mga plano sa mga pinauuwing Filipino workers mula sa Kuwait, dahil posibleng malagay sa alanganin ang kapakanan ng kanilang pamilya sa pagbabalik-bansa kung walang tiyak na mapapasukan.

“Walang ibang para­an para mahikayat natin sila na umuwi na rito kundi ang maliwanag na plano para sa isang reintegration program ng gobyerno. Dapat tiyak na may makukuha silang trabaho pagbalik dito. Bukod sa pagsisiguro sa kanilang kaligtasan, dapat ay may trabaho at tulong pangkabuhayan na naghihintay para sa kanila,” ani Angara, vice chairman ng Senate labor committee.

Si Angara rin ang sponsor ng Republic Act 10801 o ang batas na nagpapalakas sa kapangyarihan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pagtulong at pagbibigay-ayuda sa mga OFW.

Sa ilalim ng bagong batas ng OWWA, tinatayang 10 porsiyento ng mga kontribusyon ng OFWs sa ahensiya o ang tinatawag na OWWA Fund, ang dapat gamitin taon-taon para sa reintegration program para matulungan ang mga OFW na mawawalan ng trabaho sa ibang bansa.

Sa naturang programa, may mga nakalaang trabaho at mga tulong pangkabuhayan na kinabibilangan ng livelihood training, access to credit, at grant money na magagamit nilang puhunan sa pagnenegosyo.

Isasailalim din sila sa mga libreng financial literacy and techno-skills training, business counseling, at bibigyan ng job referrals.

Ngayong taon, sa kabuuang P2.876 bilyon budget ng OWWA, P376 milyon dito ang nakalaan para sa reintegration services.

Mababatid na kamakailan, dahil sa iba’t ibang kontrobersiya sa pagitan ng Kuwait at ng Filipinas na nag-ugat sa umano’y pang-aabuso sa Filipino domestic helpers doon, nagdesisyon si Pangulong Duterte na pauwiin sa Filipinas ang OFWs para rito magtrabaho.

“Ginawa nating core program ang OFW reintegration sa bagong OWWA Law dahil layunin nating hikayatin sila na bumalik ng bansa at dito mamuhay nang maginhawa at ligtas sa pang-aabuso kasama ang kanilang mga pamilya. Magagawa lamang natin ‘yan kung may malawak tayong plano sa kanilang magiging trabaho sa pagbabalik-bayan. Kung merong Build, Build, Build ang pamahalaan para sa mga impraestruktura, dapat may katapat itong Jobs, Jobs, Jobs para sa ating magbabalik-bansang OFWs,” saad ni Angara.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *