Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cine Lokal, pang-Global dahil sa Train Station

IPINAGMAMALAKI ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang Philippine Premiere ng international drama film na  Train Station ng McGoollagan Films kasama ang US based filmmakers CollabFeature sa Cine Lokal.

Tampok sa natatanging pelikulang ito ang 40 director na nagmula sa 25  bansa at 43 aktor na bumida para sa karakter na ‘Person in Brown’. Ang pelikulang ito ay inilarawan bilang bagong genre sa filmmaking, pagkakaisa ng iba’t ibang kultura at pagbali sa language barriers.

Ang Train Station ay tungkol sa isang misteryosong aksidente sa tren, mapipilitan ang isang tao na baguhin ang kanyang mga plano at haharap sa maraming pagpipilian. Ang bawat desisyon na ginagawa niya ay humahantong sa iba’t ibang mga sitwasyon, bawat isa ay kuha ng ibang direktor na may ibang cast.

Dahil sa kakaibang treatment ng pelikula, umani ito ng mahigit 15 international awards at mayroong entries sa prestihiyosong Guinness Book of World Records. Kabilang dito ang Most Directors of a Feature Film, Most Female Directors of a Feature Film, Most Languages Spoken in a Feature Film, Most Country Locations of a Feature Film, and Most Number of Actors in the Lead Role.

Kakaibang cinema experience mula sa international film na Train Station ang mapapanood simula Mayo 4 sa SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall, SM Bacoor, SM Sta. Mesa, at SM Manila.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …