Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cookie’s Peanut Butter, bumongga at naging bukambibig dahil kay Alden

MASAYANG-MASAYA ang may-ari ng Cookies Peanut Butter na si Ms. Joy Abalos nang makausap namin sa mall show ni Alden Richards noong Linggo sa SM Megamall Event Center dahil sa ganda ng sales ng kanilang produkto simula nang maging endorser ang prime actor ng GMA 7.

Ani Ms. Joy, bukod sa tumaas ang sales nila, naging bukambibig pa ito sa mga tahanan at marami ang nag-i-inquire nito sa kanila kung saan at paano makabibili.

Kaya naman bilang dagdag na pagpapakilala pa ng kanilang produkto, dadalhin pa nila ang Cookies Peanut Butter kasama si Alden sa ilang probinsiya.

Samantala, matagumpay ang ginawang mall show na sinuportahan ng buong pamilya Abalos. Dumating si dating Mayor Benjamin Abalos at ang manugang at kasalukuyang Mayor ngayon ng Mandaluyong na si Carmelita Abalos.

Naroon din ang maraming fans club ni Alden tulad ng Aldub NationAlden Philippines at iba pa.

Hinandugan ng kanta at sayaw ni Alden ang sandamakmak na fans na sumugod sa Megamall. Nagkaroon din ng autograph si Alden sa fans na pumila nang hapong iyon.

Hindi kinakitaan ng pagkapagod si Alden ng hapong iyon bagamat nanggaling pa siya sa Sunday Pinasaya.

Ani  Alden, isa iyon sa paraan ng pagpapasalamat niya sa mga blessing na natatanggap niya lalo na sa patuloy na pag-ariba ng kanyang career. Sa mga ganitong event lang  niya talaga napapasalamatan ng bonggang-bongga ang mga taong walang sawang sumusuporta sa kanya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Alden sa mag-asawang  Cookie at Joy, may-ari ng Cookie’s Peanut Butter dahil nabigyan siya ng chance para paligayahin ang loyal AlDubfans.

Giit ng binata, nakatutuwang malaman na napakaganda ng naging resulta ng pagiging endorser niya ng nasabing brand, ibig sabihin  kasi nito marami pa rin ang nagtitiwala at naniniwala sa kanya.

Very particular po kasi ako sa endorsement. Ayokong manloko ng tao, kapag effective, I really say it’s effective. At kapag masarap, sa­sabihin ko po talagang masarap. And so far, sa lahat po ng ine-endorse ko, hindi naman po ako napahiya,” paliwanag pa ng aktor.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …