Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Stalker, no match kay Kris

BAKIT kaya pagdating kay Kris Aquino, ultimo ang isang dapat nang kinalimutang nakaraan ay pinipilit pa ring buhayin gayong ina-assert lang naman niya ang kanyang sarili?

Like a ghost of the past, minumulto ngayon si Kris ng kanyang pag-amin noon sa national TV na nahawahan siya ng STD ng dating karelasyong si Joey Marquez. Dahil sa panonopla niya sa isang OFW, pinuputakti tuloy siya ng mga basher na halatang hindi pa naka-move on sa paglipas ng panahon.

Nabasa namin ang post ng OFW, may kayabangan ang tabas ng dila na buong akala yata ay makakukuha ng atensiyon mula sa kahit na sinong magustuhan niyang babae.

GGSS. Guwapung-guwapo Sa Sarili ang taong ‘yon, na kulang na lang sabihing stalker.

But a stalker is no match to a talker. Si Kris nga na isa ring GGSS or Gandang-ganda Sa Sarili, and why not? Totoo namang maganda si Kris, and not only is she beautiful, may something din sa kanyang dalawang tenga.

Para sa amin, hindi kayabangan ang patutsada ni Kris. Kung pagyayabang ‘yon, ‘yun ay bilang sagot sa kayabangan ng OFW na ‘yon who started it all.

Excuse me, separada si Kris, hindi desperada.

Masyado namang chauvinistic ang OFW na ‘yon. Huwag na ‘yung mag-ambisyon siya more than what he can attain. Mukhang kahit na sinong babae ay ganoon ang boladas niya.

So what if isa rin siyang sawi sa pag-ibig? So, misery loves company ang peg? Angtingin ba ng OFW na ‘yon ay siya ang knight in shining armor sa isang damsel in distress?

At please lang, ‘yung STD-STD issue na ‘yan ni Kris is a recycled one para ipambala kay Kris. Buti pa nga ang anumang bagay na recycled, puwede pa uling pakinabangan. Pero hindi ang binubuhay nilang STD issue kay Kris na pagkatagal-tagal nang nagamot.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …