Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, ‘di papayagang mag-artista ang anak na si Zia

IN our recent interview with Marian Rivera, tinanong namin kung mag-aartista rin ba ang anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

“Ayoko,” ang mabilis na sagot ni Marian.

Pero sa tingin niya ba ay gusto ni Zia?

“Naku, kung anuman ang gusto niya sa buhay niya ang usapan namin ng tatay niya kailangan makatapos muna siya, parang ako.

“After niyon, kung ano ang gusto niya susuportahan namin siya, as long as nakatapos siya ng pag-aaral niya, okay kami.

“At saka buhay niya ‘yan so nandito kami to support her pero ang importante ay makatapos siya ng pag-aaral.

“Ang showbiz, ang kapalaran hindi mo masasabi, kung para sa iyo ibibigay sa iyo kahit na anong gawin mo.”

Sa ngayon ay sa commercials lang muna mapapanood si Zia, tulad ng mga magulang niya na halos hindi na mabilang ang endorsements tulad ng Cignal Prepaid TV (Marian at Dingdong) at mga solo endorsement ni Marian tulad ng Mega PRIME Quality Food Products at Kultura apparel.

Samantala, sa tanong naman kung sinong Kapuso artist siya humahanga, isang aktres ang isinagot ni Marian.

“Actually, ang nakikitaan ko talaga na sinasabi ko, tuwing magkasama kaming dalawa, si Barbie (Forteza) talaga.

“Kasi very transparent din ‘yung bata, mahal din niya ‘yung trabaho niya, mapagmahal siya sa pamilya niya. At ang trabaho sa kanya, trabaho talaga,” nakangiting saad pa ng Primetime Queen.

Magkasama sina Marian at Barbie sa Sunday PinaSaya.

Speaking of primetime, nalalapit nang mapanood muli si Marian sa isang GMA drama series!

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …