Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

1st collaboration ni Maja sa Thai musician, humahataw

HUMAHATAW pa rin sa iba’t ibang panig ng Asia at iba pang bahagi ng mundo ang kantang Falling Into You, ang first collaboration ni Maja Salvador sa Thai musician na si Tor Saksit.

Matagumpay ang sunod-sunod na release nito sa iba’t ibang panig ng mundo tulad noong Feb. 9, 2018 dahil sa kolaborasyon ng Ivory Music & Video, BEC-TERO Music Thailand, at Tourism Authority of Thailand. Dahil dito, nagsanib-puwersa rin ang mga tagahanga nina Maja at Tor kaya naman tagumpay ang resulta ng kanilang bonggang project together.

Noong February, 2018 naman ay bumisita si Tor sa Pilipinas para i-promote ang kanilang single at music video. Nagkaroon sila ng guesting ni Maja sa mga radio station, na sinundan ng mga press conferences at TV guesting sa It’s Showtime at ASAP ng ABS-CBN.

Ang kanta nilang Falling Into You ay nakakuha rin ng puwesto sa Myx Daily Top Ten sa ilang magkakasunod na linggo, matapos nga itong i-release ng Sony Music International sa Australia, New Zealand, Singapore, Malaysia, Indonesia, Vietnam, at Korea.

Bibisita naman sa mga susunod na buwan si Maja sa Thailand para sa bagong promo tour ng kanilang single.

Samantala, sa pagdami ng fans and followers ni Maja sa Thailand, ipinalabas din doon (na i-dinub sa Thai) ang dalawa sa mga teleserye niya sa ABS-CBN, ang Bridges Of Love at The Legal Wife.

Magri-release din sina Maja at Tor ng remix ng Falling Into You sa mga susunod na buwan. Ang Falling Into You ay available na for streaming at puwede nang ma-download sa Spotify, Deezer, iTunes, Apple Music. Available na rin ang official music video sa YouTube Channel ng Ivory Music & Video.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …