Monday , December 23 2024
Church Plaridel Bulacan

Pamilyang nabagsakan ng eroplano nakaburol na

NAKABUROL na ang limang miyembro ng pamilyang namatay makaraan mabagsakan ng eroplano ang kanilang bahay sa Plaridel, Bulacan, nitong Sabado ng hapon.

Dinala ang mga labi ng pamilya Dela Rosa sa Santa Cruz Chapel sa Brgy. Lumang Bayan, sa naturang bayan, kahapon ng madaling-araw.

Namatay sina Louisa Santos (lola), Rissa Dela Rosa (ina), Trisha dela Rosa, John John Dela Rosa, at Timothy Dela Rosa, nang bumagsak sa kanilang bahay ang isang maliit na eroplano habang sila ay nanananghalian.

Habang nananatili sa punerarya ang mga labi ng mga sakay ng bumagsak na eroplano na kinilalang sina Capt. Ruel Meloria (piloto), Romeo Huenda (chief mechanic), Alicia Necesario (passenger/student pilot), Maria Vera Pagaduan (passenger/student pilot), at Nelson Melgar (passenger).

Ayon sa mga empleyado ng punerarya, nagpunta na ang mga kaanak ng mga biktima ngunit hndi agad ini-release ang mga bangkay dahil isasailalim pa sa DNA test.

Sa ngayon, hindi pa masabi ng padre de pamilya na si Noel Dela Rosa kung magsasampa siya ng reklamo laban sa Lite Air dahil prayoridad nila ang burol ng kanyang mag-iina.

Habang para sa panganay niyang si Leo dela Rosa, mahirap magsampa ng reklamo lalo na’t aksidente ang nangyari at walang may kagustohan nito.

Nag-aaral si Leo nang mangyari ang insidente at nalaman lang niya ang sinapit ng mga kapamilya nang umuwi siya.

Aniya, nasa labas ng bahay ang kanyang mga kapatid para maglaro at mag-computer, ngunit tinawag sila para mag-tanghalian hanggang nangyari ang malagim na insidente.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), patuloy ang kanilang imbestigasyon sa insidente.

Kaugnay nito, hindi muna pinayagang lumipad ang iba pang mga eroplano ng Lite Air habang inaalam ang sanhi nang pagbagsak ng eroplano.

Posibleng abutin ng isang buwan ang imbestigasyon sa insidente, ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *