Thursday , December 26 2024

Trapo ayaw ng halalan?

BINAWI na naman mga ‘igan ang pag-arangkada ng “Barangay at SK Elections” sa May 14, 2018 at isasagawa ito sa buwan ng Oktubre 2018. Sus ginoo! Ano ito, “Approved without thinking (he he he…) sa Kamara ang muling pagpapaliban ng nasabing barangay elections? Nakaiirita na mga ‘igan!

Mantakin n’yo nga naman, sa panig ng mga kongresistang pro-Duterte’y walang kaabog-abog nang magdesisyon sila sa pagkakansela ng barangay elections sa May 14, 2018.

Aba aba aba…sino ba talaga ang ayaw na may barangay elections? Aba’y atin ngang isa-isahin ang mga trapong ‘yan na ayaw ng elek­siyon nang magising sa katotohanang hindi habang panahon ang kanilang pamamayagpag!

Tulad na lamang nitong barangay officials na nasa “narco-list.” Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), paparami nang paparami ang bilang ng mga opisyal ng barangay na nasasangkot umano sa malawakang benta­han ng “illegal drugs.”

Aba’y dapat dito’y pagbuhulin si Kupitan ‘este si Kapitan at ang mga kawatan ‘este kagawad na sangkot sa mga katiwalian sa barangay. Paano na ang mga kabataang sinisira ng mga animal? Dapat sa kanila’y palitan na para matuldukan ang kagagohan at ang katarantadohan ng mga salarin lalong-lalo sa barangay na kanilang nasasa­kupan.

Isama pa ang programang “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP). Aba’y kakatok ang mga pulis sa pinto ng mga tiwaling opisyal ng barangay. Ooopppsss! Huwag nang manlaban, baka mauna ka pang maipako sa krus…bagkus itigil na lamang ang mga ilegal n’yong gawain, lalong-lalo ang ilegal na droga.

Sa mga opisyal ng barangay na magpahanggang ngayon ay nagtatago pa rin sa saya ng mga sindikatong-animal, aba’y ngayon pa lang ay magdasal-dasal na kayo at mauna nang magpenitensiya… he he he… bilang na bilang na ang maliligayang-araw ninyo!

Baka naman sa kakapalan ng mukha ninyo’y umarangkada pa rin kayo sa nalalapit na eleksi­yon? Aba’y tama na! At tinitiyak ng sambayanang Filipino na hindi na kayo muling makalulusot pa upang makapaghasik ng kasamaan sa mundo.

 

RESIDENTE VS BOTANTE?

Ang mga constituent mga ‘igan ang pinakamahalagang sangkap sa isang eleksiyon. Su­balit, iba ang naging usapin d’yan sa Lungsod ng Pasay, partikular sa Brgy. 97, mantakin n’yong nahalungkat ang 1,458 “flying voters” dito! Paano nakapagpuslit nang ganyan karaming “barangay certification” upang maging lehitimo at rehistradong botante ng barangay, at para makapagparehistro sa Comelec?  Sino at kaninong pakana o katarantadohan ito mga ‘igan?

Mas matindi sa parteng Maynila, partikular sa Brgy. 659–A, na mahabang-panahon nang pinagbibidahan ni Kupitan ‘este Kapitan Ligaya V. Santos.

Actually, naging isyu rito ang pagkakatatag ng nasabing barangay. Bakit kamo ‘kan’yo?

Ayon sa Republic Act 7160–Local Government Code, ang tanong mga ‘igan, may sapat ba itong bilang ng mga residente? Aba’y, mukhang hindi ito umabot sa kota e…So, paanong nangyaring…ewan…bahala na kayong mag-imbestiga at humusga sa isyung ‘yan!

Pero sa totoo lang, isa lang ang dapat d’yan…buwagin sa lalong madaling panahon ang nasabing “ghost barangay,” sapagkat, tunay na walang residente ha ha ha… pero maraming hawak na “drivers” sa Plaza Lawton, sa isyung “illegal parking-terminal si Kupitan ‘este Kapitan Ligaya!

Ngayon, saan na naman kaya sila huhugot ng botante sa nalalapit na barangay elections? Kaya’t magaganap na ang pag-aaway ng residente vs botante…may ganun ba? He he he ibang laban ito!

Abangan…

BATO-BATO BALANI
ni Johnny C. Balani

About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *