EXCITING month for HOOQ ngayong buwan dahil sa mga bagong titles na aabangan. Ilan dito ay ang animated film na Coco, Thor: Ragnarok, Justice League, Star Wars Episode VIII: Last Jedi, at Jumanji: Welcome To The Jungle.
Kasama rin dito ang Hollywood Original series na The Oath.
Ayon kay Sheila Paul, HOOQ Philippine Country Manager, ”It will be a very exciting month for movie buffs at HOOQ. We are very excited to bring these movies fresh from the cinema that the whole family will enjoy.”
Noong Marso 8 nag-pilot ang newest crime drama series na The Oath sa largest Video On Demand service sa South East Asia. Ito ay tinatampukan nina Sean Bean (Game Of Thrones), Ryan Kwanten (True Blood), CoryHardrict (American Sniper), Katrina Law (Training Day), Arlen Escarpeta (The Magicians), at J J Soria(Animal Kingdom).
Ang The Oath ay kinunan sa Los Angeles na ang istorya ay umiikot sa world of gangs na sangkot ang mga pulis na siyang dapat magtatanggol at poprotekta sa publiko subalit sila pa ang gumagawa ng mgapagnanakaw, gulo, at kung ano-ano pa. Tinatalakay din dito ang korupsiyon sa mga LA Police force.
Napanood namin ang unang episode ng The Oath, kasama ang ilang piling entertainment press at exciting na kaagad ang napanood namin dahil sa umaatikabong aksiyon. Nabitin nga kami at kung puwede’y ituloy-tuloy na ang panonood namin.
“This marks a truly significant milestone for HOOQ Originals,” sambit naman ni Chief Content Officer ng HOOQ na si Jennifer Batty. ”While we continue to blaze a trail for homegrown Asian content and talent, we are now proud to strengthen our offering and bring in the best original content that Hollywood has to offer.”
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio