ITINANGGI ni Senador Panfilo Lacson na 80-90 porsiyento nang handa ang Senado sa impeachment trial.
Nauna rito, inihayag ni Senate President Koko Pimentel III na 80% to 90% nang handa ang Senado para sa impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Giit ni Lacson, pinag-aaralan pa rin nilang mga senador ang posibleng pag-amiyenda sa rules na ginamit nila noong panahon ng Corona trial o impeachment trial laban kay dating Chief Justice Renato Corona.
Natawa si Lacson at nagtatanong kung saan nakuha ni Pimentel ang naturang figure na 80-90% na handa ang senado bilang impeachment court.
Tantiya ni Lacson, baka ang ibig sabihin ni Pimentel ay handa na ang kanyang staff o kanyang tanggapan ngunit hindi ang buong Senado.
Pabirong sinabi ni Lacson na huwag na silang pag-awayin ni Pimentel dahil magkaiba ang kanilang pahayag ukol sa paghahanda ng Senado sa impeachment trial kay Sereno.
(CYNTHIA MARTIN)