Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hec, iniwan ang America dahil sa musika

KAHANGA-HANGA ang isang tulad ni Hec, isang magaling na rock singer dahil iniwan ang magandang buhay sa America para bumalik sa Pilipinas at ituloy ang pagre-record at pagbabahagi ng musika.

Matagal nang konektado si Hec sa music industry. At nang tumakbo si Pangulong Rodrigo Duterte gumawa siya ng awitin, naisip niyang ituloy-tuloy na ang karera sa pagkanta. Napagtanto niya kasing na-miss niya ang ‘Pinas gayundin ang musika na ‘ika nga niya’y malaki na ang ipinagbago.

Nabuo niya ang Dr. Lab album na kinapapalooban ng walong awitin.

Sabi nga ni Hec, parang nakikipag-usap siya sa kanyang mga musika. Kasama rito ang awitin ukol sa relasyon ng mag-ama. Tumatalakay din ang ilang kanta sa mga social issues at iba pa.

Ang musika ni Hec ay inihalintulad sa isang salad dahil pinaghalo-halong iba’t ibang klase ng musika ang mga kanta sa album—folk, classic, rock, pop, pop-jazz) pero pinananatili nito ang crisp at healthy folk-rock flavor. At may bonus track pa ito ang Atin to Pre, ang rock campaign jingle na ginawa niya para kay Duterte.

Ang Dr. Lab ay ipinrodyus ng GOODING at inirekord sa S3 records sa Wichita, Kansas, USA. Ini-remix ito sa VAS studio sa Quezon City at digitally distributed ng BLCKMRKT Records International.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …