Monday , December 23 2024

Sindikato ng droga, kasabwat, bigong ipasibak si QCJ warden Moral

TOTOO nga pala ang info nitong nakaraang linggo na kasama sa reshuffle ng Bureau of Jail Manage­ment and Penology – National Capital Region  (BJMP-NCR) si Supt. Ermilito Moral, Quezon City Jail Warden.

Sinasabing kabilang si Moral sa tatanggalan ng posisyon dahil tatlong beses nang nagkaroon ng riot sa loob ng anim na buwan sa piitang ipinagkatiwala sa kanya o simula nang maupo sa QC Jail.

Miyerkoles, 28 Pebrero 2018 nang bumaba ang order para kay Moral.

Sa nakatakdang pag-relieve kay Moral, posibleng nagbunyi ang nasa likod ng sumisira sa imahe ng QC Jail. Tinutukoy na pagsira sa gumandang imahe ng QC Jail ang tatlong beses na nangyaring riot city jail.

Sa nakalap na info ng pamunuan ng QC Jail, ang riots ay nangyari hindi dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga bilanggo kung hindi ito ay  kagagawan ng sindikato ng droga. Pinondohan nila ang gulo. Ilan sa alaga nilang preso na nakikinabang sa sindikato ang kanilang inutusan na manggulo para masibak si Moral.

Yes, gusto nilang masibak si Moral para makapagnegosyo uli sila sa loob ng kulungan. Paano naman naging kagagawan ng sindikato?

Ganito kasi iyon, nang maupo si Moral sa QC Jail, mahigpit ang kanyang kampanya laban sa ilegal na droga bilang tugon sa direktiba  ni Pa­ngulong Rodrigo Roa Duterte laban sa droga.

Ilan linggo ang makalipas nang maupo si Mo­ral noong Agosto 2017, natumbok niya kung sino ang preso na pinagbabagsakan ng droga. Kaya, ipinalipat ni Moral sa BJMP Bicutan.

Hindi lang ang preso ang ipinalipat kung hindi maging ang ilang jailguard na hinihinalang kasabwat ng  sindikato.

Sa madaling salita, nasugpo ni Moral ang bentahan ng droga sa piitan. Siyempre, sa pag­kakawala ng droga, maraming preso ang naapek­tohan. Walang mabilisang kita o walang magamit. So, ang naging solusyon, kinakailangan manggulo ang mga presong alaga ng sindikato para sa “ulo” ni Moral. At kapag nasibak na si Moral, makapapasok uli ang droga.

Hayun, nitong nakaraang linggo, inakala ng sindikato na nagtagumpay ang kanilang plano. Pero ano, bigo ang sindikato, lalo ang ilan sa mga taga-BJMP na interesado sa trono ni Moral. Ba’t sila nabigo? Binawi ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang order para kay Moral.

Nanatili si Moral sa puwesto. Bakit?  Nakitang sinsero  si Moral sa pagpapatupad sa direktiba ni Pangulong Duterte kaugnay sa walang humpay na giyera laban sa droga lalo sa mga nagbibigay proteksiyon sa sindikato.

Therefore, bigong-bigo ang mga nasa likod ng nagnais na ‘pagulungin’ ang ulo ni Moral para maupo ang gusto ng mga sindikato.

Meaning, sa pananatili ni Moral sa QC Jail, mananatiling hindi makalulusot  ang droga sa piitan.

Sa nangyaring pananatili ni Moral sa posi­s-yon, patunay lamang ito na nangingibabaw pa rin ang kabutihan… at kailanman ay hindi nagwawagi ang kasamaan o kadiliman.

Katunayan, nang nalaman din ng mga preso na mananatili si Moral bilang warden, nagbunyi sila. ‘Ika nga, ang impormante sa loob ng piitan, kung natuloy ang pagsibak kay Moral, magka­kagulo raw sa loob o magra-riot sila.

Pero kinansela ng inmates  ang plano dahil, ang kanilang inirerespetong si Moral na mga anak ang turing sa kanila, ay makakasama pa rin nila.

Well, inaasahan naman…malamang sa malamang na gagawa pa rin ng paraan ang sindikato at ilang kasabwat nila sa BJMP para matanggal sa posisyon si Moral.

Marami na palang repormang ginawa at pa­tuloy na ginawa si Moral sa city jail para sa inte­res ng inmates at para sa kampanya ng gobyerno laban sa droga.

Abangan!

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *