Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Caraga sapol ni Basyang

NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang Tropical Storm Basyang (international name: Sanba) at maaaring bumagsak sa Caraga area ngayong Martes ng umaga, ayon sa state weather bureau kahapon.

Sinabi ni PAGASA Weather Division Chief Esperanza Cayanan, ang mga residente sa Davao Oriental, Caraga at Eastern Visayas ay makararanas ng “scattered to widespread, moderate to heavy rains.”

“Residents of these areas must take appropriate measures against possible flooding, landslides,” ayon sa opisyal.

Ayon kay Cayanan, si Basyang ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog sa iba pang bahagi ng Visayas, Mindanao at Bicol Region.

Ang Luzon ay maka­raranas ng bahagyang pag-ulap na may kasamang mahinang pag-ulan, aniya.

Nauna rito, itinaas ng PAGASA ang Storm Warning Signal no. 2 sa Surigao del Sur.

Habang nakataas ang Signal No. 1 sa bahaging timog ng Samar; southern portion ng Eastern Samar; Leyte; Southern Leyte; Bohol; Cebu; Negros Oriental; Negros Occidental at Siquijor; Dinagat Islands; Surigao del Norte; Agusan del Norte; Agusan del Sur; Camiguin; Compostela Valley; Davao Oriental; Davao del Norte; Misamis Oriental; Misamis Occidental; Lanao del Norte; Lanao del Sur; Bukidnon; northern portion ng Zamboanga del Norte; at northern portion ng Zamboanga del Sur.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …