Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Tuloy ang 2019 midterm elections

PALUTANG lang ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang sinasabi niyang hindi ma­tutuloy ang 2019 midterm elections.  Isa ito sa pamamaraan ni Alvarez para makakuha ng maraming suporta sa Senado at Kamara na pawang last termer para tuluyang mailusot ang Charter change.

Suntok sa buwan ang no-election scenario sa 2019 kung titingnang mabuti ang mga nangyayari sa ating politika. Una, ang sinasabing constituent assembly ay naghihingalo na dahil mga senador na ang umalma sa asal-barumbado nitong si Bebot.

Pangalawa, ang sinasabing plebesito ni Alvarez ay halos ‘patay’ na rin dahil sa kawalan ng budget at oras para ipatupad ito o pagbotohan ng taongbayan. Si Senador Chiz Escudero na ang nagsabing walang pondo para sa plebesito at pati na ang Comelec ay nagsabi na wala na rin panahon para ipatupad ito.

Kahit maglupasay at sumirko-sirko pa si Alvarez, walang mangyayari sa kanyang isinusulong na Cha-cha. Halos lahat ng sector ng lipunan ay tutol na ngayon sa Cha-cha dahil na rin sa kagagawan nitong si Alvarez.

Alam ng taongbayan na karamihan sa mga politiko ay pansariling interes lamang ang gusto kaya gustong ipilit ang Cha-cha. Obvious na term extension ang gusto ng pangkat nitong si Alvarez. Atat na atat makapanatili sila sa kanilang kapangyarihan.

Wala naman talagang problema kung ituloy man ang Cha-cha na gustong mangyari ni Pa­ngulong Rodrigo “Digong” Duterte, ang problema lamang ay itong si Alvarez na ngayon pa lamang ay nagpapakita kung ano talaga ang kanilang motibo para maisulong ang Cha-cha.

Kung tutuusin, kakaunti lang ang mga politiko na makikinabang sa term extension sa pagpapatupad ng federalismo kung ikokompara sa taongbayan na gustong ituloy ang eleksiyon sa 2019.

Kaya nga sorry na lang sa grupo ni Alvarez dahil ngayon pa lang mukhang abala na ang mga politikong tatakbo sa midterm election at wala silang pakialam sa mga pananakot ni Alvarez para maisulong lang ang Cha-cha.

Sina Sen. Grace Poe, Nancy Binay, Cynthia Villar, Sonny Angara, Bam Aquino at JV Ejercito na pawang mga reelectionists ay mai­ngay na sa media kabilang na rin si Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Rep. Karlo Nograles, Rep. Geraldine Roman, Rep. Abelardo Benitez.

At paano rin mapipigil ni Alvarez ang mga politiko sa kani-kanilang probinsiya na nasa election mode na?  Kahit na takutin pa sila ni Alvarez, wala silang pakialam sa federalismo, ang tanging pinaghahandaan nila, ang darating na eleksiyon sa kanilang mga lalawigan.

Kawawa naman itong si Alvarez, mukhang nahihibang na sa kapangyarihan, gusto yatang lagpasan pa si Digong.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *