Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, dinadagsa ng maraming blessings!

MAGANDA ang pasok ng bagong taon na 2018 sa mga cute na bagets na sina Kikay at Mikay. Pagkatapos nilang humataw sa launching ng Fil-Alemania Production Company ay napanood din ang talented na duo sa Little Big Shots, hosted by Billy Crawford ng ABS CBN.

Ngayon naman ay kinuhang endorser sina Kikay at Mikay ng produktong Skin Light Baby Soap. Bagay na bagay sa kanilang dalawa dahil kapwa makikinis at mapuputi sina Kikay at Mikay.

Bukod sa pagiging bagong endorser, pati sa pelikula ay ikinakasa na ang mga proyektong sasamahan nila. Isa na rito ang movie outfit ng Maindie Queen na si Ms. Baby Go na balita namin ay isasali sila sa pelikulang pinamamahalaan either ni Direk Joel Lamangan or Direk Ralston Jover. Bukod dito ay may nauna nang mga pelikulang nagawa ang dalawa.

Isa pa sa aabangan sa kanila ang paghataw nina Kikay at Mikay sa New Asia Philippines Next Top Model na gaganapin sa January 28 sa SM Aura Samsung Hall.

Sina Kikay at Mikay ay under contract sa Viva Artists Agency. Napanood din sila lately sa kanilang TV appearances tulad sa Net25’s Pambansang Almusal, ABS-CBN’s Goin’ Bulilit, Pinas FM 95.5, at Impostora ng Kapuso Network.

Goodluck sa inyo Kikay at Mikay!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …