Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek Ramsay, bongga ang 2017, aarangkada pa ngayong 2018!

MASAYANG-MASAYA si Derek Ramsay dahil napakaganda ng pagtatapos ng taong 2017. Nagwagi siya bilang Best Actor sa 2017 Metro Manila Film Festival dahil sa napakaganda niyang performance sa movie nila ni Jennylyn Mercado, ang All Of You mula Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions, at Planet Media.

Kung ating matatandaan, hindi ito ang unang tropeong nakuha ni Derek sa MMFF. Una siyang ginawaran ng kaparehong award sa 2015 entry nila ni Jen na English Only, Please.

Tumabo pa sa takilya ang second movie nila together ni Jennylyn kaya naman sobrang suwerte talaga ng aktor.

Last year din naayos ang gusot niya sa Star Cinema at ABS-CBN kaya naman dalawang movies ang gagawin niya sa Star Cinema at uunahin niya ang pelikulang tentatively titled Kasal kasama sina Bea Alonzo at Paulo Avelino na ididirehe ni Ruel Bayani.

Bukod dito, magsasama rin silang muli ni Kris Aquino sa isa pang project sa kaparehong film outfit.

At bilang endorser, umeere na ang bagong TV commercial niya ng Dunkin’ Donuts.

Hindi lang competent actor si Derek kundi box office attraction pa kaya mabentang-mabenta siya bilang lead actor ngayong 2018!

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …