Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sinon Loresca, matapos magkawanggawa, nanakit ng PA

MATAGAL pa bago nag-Pasko noong isang tao ay umani ng papuri sa amin si Sinon Loresca a.ka. Rogelia, ang tinaguriang Queen of Catwalk ng Eat Bulaga.

Natisod kasi namin sa Facebook ang litrato na may pinakakain si Sinon na mga taong aksidente niyang nadaanan sa isang kalye sa Quezon City. Sila ‘yung mga homeless na ginawang tirahan ang gutter ng lansangan.

Ang act of charity na ‘yon ni Sinon ay taliwas sa maraming pagpapakita ng kawanggawa sa kapwa na kailangan pang ianunsiyo o ipagmakaingay. Sinon’s act was one of genuine sincerity, sa isip-isip namin.

May puso pala ang maskulado’t mabalahibong bading sa mga kapospalad nating kababayan.

Pero nitong mga nakaraang araw ay biglang pumihit sa salungat na direksiyon ang ikinasikat ni Sinon. Naganap ‘yon sa isang bar na sinaktan niya ang kanyang transgender-PA (personal alalay).

Bagama’t nag-sorry na si Sinon sa kanyang ginawa’t nasabi sa kanyang alalay, hindi magandang pakinggan sa tenga ang sinabi niya to justify his action. Kesyo maid lang daw niya ‘yung taong ‘yon at puwede niyang gawin ang anumang gustuhin niya.

Kung idyu-juxtapose natin ang eksenang binanggit naming sa simula ng item na ito alongside ng ginawa niya sa kanyang alalay, tuloy ay pinagdudahan namin ang kabutihan ng puso ng macho gay na ito.

May kasabihang “Charity begins at home.” Dapat sana’y bigyan muna ni Sinon ng pagpapahalaga ang kanyang mga madalas na nakakasama tulad ng “maid” o utusan na sinasabi niya.

Oo nga’t humingi na siya ng dispensa sa taong kanyang sinaktan, still, hindi maiaalis na anumang kabutihang-loob na gawin ni Sinon sa kanyang kapwa ay markado na bilang isang malinaw na kaipokrituhan.

Plastik na bakla!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …