Monday , August 11 2025

21 outstanding cooperatives pinarangalan ng Villar SIPAG sa poverty reduction strategies

DALAWAMPU’T ISANG natatanging kooperatiba sa buong kapuluan ang kinilala ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) nina Sen. Cynthia A. Villar, former Senate President Manny Villar at DPWH Sec. Mark Villar, dahil sa kanilang natatanging poverty reduction strategies.

Tumanggap ang bawat isa ng P250,000 “seed money” para makapagsimula ng bagong negosyo at mapalaki ang kanilang mga umiiral na proyekto.

Pinagkalooban din sila ng customized Villar SIPAG bamboo trophy na espesyal na ginawa ng Samahan ng mga Mang-uukit ng Paete.

DALAWAMPU’T ISANG natatanging kooperatiba sa buong kapuluan ang kinilala ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (SIPAG) nina Sen. Cynthia A. Villar, former Senate President Manny Villar at DPWH Sec. Mark Villar, dahil sa kanilang natatanging poverty reduction strategies. Ginanap ang awarding ceremony sa Villar SIPAG hall sa C5 Extension Road, Brgy. Pulang Lupa Uno, Las Piñas City. (NIÑO ACLAN)

Idinaos ang awarding ceremony sa Villar SIPAG hall sa C5 Extension Road, Brgy. Pulang Lupa Uno, Las Pinas City.

Mahigit sa 220 kooperatiba ang lumahok sa “search for the 2017 Villar SIPAG Awards” na 21 kooperatiba ang hinirang base sa effectiveness, significance, financial viability, sustainability at adaptability ng kanilang proyekto.

“We take our hats off to these cooperatives for the wonderful jobs that they do and for all their efforts in helping reduce poverty in our country, particularly in the countryside,” ani Sen. Villar.

Ang mga sumusunod ang 21 nahirang na kooperatiba: Sa Metro Manila, Don Bosco Technical Vocational Education and Training Center, Tondo, Maynila; Mapag-ampon Parish Multi-Purpose Cooperative, Putatan, Muntinlupa City; Sa north Luzon, Treasure Link Cooperative Society, Sagada, Mountain Province; Tabuk Farmers Multi-Purpose Cooperative, Tabuk City, Kalinga;          Sto. Domingo Development Cooperative, Sto.  Domingo, Ilocos Sur; Wesley Savings and Multi-Purpose Cooperative, San Isidro, Isabela; Mother Rita Multi-Purpose Governance Structure, Candelaria, Zambales.

Sa south Luzon at Bicol region, Padre Garcia Development Cooperative, Pansol, Padre Garcia, Batangas; Tuy and Community Multi-Purpose Cooperative, TMPC Village, Brgy. Luna, Tuy, Batangas; Mindoro Progressive Multi-Purpose Cooperative, Mamburao, Occidental Mindoro; Pecuaria Development Cooperative, Bula, Camarines Sur; Pinoy Lingap – Damayan Multi-Purpose Cooperative, Virac, Catanduanes.

Sa Visayas, Libacao Development Cooperative, Libacao, Aklan; Buenavista Development Cooperative, Buenavista, Guimaras; Fairchild Cebu Community Multi-Purpose Cooperative, Lapu-Lapu City, Cebu; Sts. Peter & Paul Multi-Purpose Cooperative, Southern Leyte.

Sa Mindanao, Goodyear Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative, Zamboanga Sibugay; Agdao Multi-Purpose Cooperative, Bo Obrero, Davao City; Adventurers Multi-Purpose Cooperative, Polomolok, South Cotabato; Agusan Del Norte Teachers, Retirees, Employees and Community Cooperative, Butuan City; Alrahman Farmers Multi-Purpose Cooperative, Mamasapano, Maguindanao.

Nagsimula ang Villar SIPAG Awards for Poverty Reduction noong August 2013 bilang pagkilala sa natatanging nagawa sa buhay ng mga tao ng mga kasapi ng kanilang komunidad.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

DOST Catfish Farming PDLs BJMP CDO City Jail

Hope Beneath the Surface: Catfish Farming Brings Livelihood and Rehabilitation to PDLs at BJMP CDO City Jail

A transformation is unfolding inside the walls of the BJMP Cagayan de Oro City Jail …

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

SM naglunsad ng relief efforts, naghatid ng tulong sa Bulacan

HABANG ang mapaminsalang habagat, kasama ang magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, ay nagdala …

Agham ay ramdam, sa Bagong Pilipinas — Solidum

Agham ay ramdam, sa Bagong Pilipinas— Solidum

JUST after the fourth State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand R. Marcos …

Alagang Suki Fest Gary V Bini Belle Mariano Darren

Gary walang kupas sa paghataw; Alagang Suki Fest 2025 makasaysayan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALA pa ring kupas ang isang Gary Valenciano kapag nagpe-perform. Muli, pinatunayan niyang …

Kaila Estrada Sante BarleyMax

Kaila Estrada, isinasabuhay kahalagahan ng holistic well-being bilang Santé BarleyMax ambassador

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ALAMIN kung paano isinasabuhay ni Kaila Estrada ang kahalagahan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *