Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Imee: 2 araw na ceasefire

MAGANDA ang panawagan ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa puwersa ng pamahalaan at sa New People’s Army na magkaroon ng ceasefire sa darating na kapaskuhan, dalawang araw ang hiling ni Imee na ceasefire si­mula sa Disyembe 24 at 25.

Bagamat pormal nang winakasan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang peace talks sa pagitan ng CPP at government peace panel, ang panawagan ni Imee ay magkaroon ng unilateral ceasefire para higit na maipagdiwang ang kapaskuhan nang walang nagaganap na pata­yan sa magkabilang panig.

Ang unilateral ceasefire ay maaaring gawin ng ating Armed Forces at kung gugustuhin naman ng NPA ay maaari rin silang magdeklara ng kanilang unilateral ceasefire. Sa ganitong paraan, ang mga sibilyan sa mga kanayunan na naiipit sa kanilang bakbakan ay payapang makapagdiriwang ng kanilang kapaskuhan.

Ang hinihinging unilateral ceasefire ay da­lawang araw lamang at hindi naman siguro ka­labisan kung pagbibigyan ito ng dalawang armadong panig. Kung matapos ang sinasabing unilateral ceasefire, e ‘di ituloy na ulit ang bakbakan.

Malaking punto ito para sa military kung magdedeklara sila ng sariling ceasefire. Mismong ang taongbayan sa mga lalawigan ang susuporta sa AFP dahil sa ginawa nilang tigil-putukan bilang respeto na rin sa pagdiriwang ng Pasko.

Problema na ng NPA kung tuloy-tuloy ang kanilang isasagawang military operations sa araw ng Pasko at tiyak namang magagalit sa kanila ang taongbayan. Ibig sabihin, sa usapin ng propaganda tiyak na makalalamang ang magsasagawa ng ceasefire sa araw ng Pasko.

Malaking bagay din ang tigil-putukan sa kapaskuhan dahil maipagdiriwang din ito ng mga sundalo na kasama ang kanilang pamilya kahit sabihing nasa loob sila ng barracks at doon nagsasalo-salo ng Noche Buena.

Kaya nga, tama talaga ang panawagan ni Imee na dalawang araw na ceasefire sa kapaskuhang darating. Higit na makapagninilay-nilay ang ating mga sundalo at tiyak na magiging masaya sila sa piling ng kanilang pamilya na walang barilan.

Sana mapag-isipan ito ng pamunuan ng AFP at maipatupad ang sariling tigil-putukan. Malaking bagay ito sa mga sibilyan pati na rin sa mga sundalo na nais gunitain at ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesu Kristo.

Huwag na natin asahan pa si Joma Sison, pinuno ng CPP na manawagan ng ceasefire dahil alam naman ng lahat na wala siyang Diyos at hindi naniniwala kay Hesu Kristo.

Ibig lang sabihin walang Pasko ang mga komunistang NPA.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *