Saturday , December 21 2024

Harassment o trabaho ang lahat?

ISA nga bang panggigipit ng administrasyong Duterte ang ginawang pag-aresto kay George San Mateo, ang presidente ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON)?

Dinakip si San Mateo nitong Martes sa Quezon City Hall of Justice, ng mga operatiba ng Quezon City Police District Kamuning Police Station 10, sa pangunguna mismo ng hepe ng estasyon — si Supt. Christian Dela Cruz.

Siya ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng QC Metropolitan Trail Court para sa kasong paglabag sa Public Service Law. Ito ay kaugnay sa pangunguna ni San Mateo sa kilos protesta o tigil pasada na isinagawa nitong Setyembre.

Sa presinto, sinasabi ni San Mateo na isang harassment o panggigipit ang pag-aresto sa kanya. Panggigipit dahil maling-mali raw ang pag-aresto sa kanya. Kasi daw nakapagpiyansa na siya sa pamamagitan ng kanyang abogado na nauna na sa korte at pipirmahan na lamang niya ang mga kaukulang dokumento para makamit ang pansamantalang kalayaan.

Ngunit, tila ang claim ni San Mateo, harassment ang lahat at nakapaglagak na siya ng piyansang P4,000 ay taliwas pala. Bakit? Hindi pa pala nakapaglagak ng piyansa si San Mateo. Ganoon ba? E ba’t sinasabi ni San Mateo kamakalawa sa mga mamamahayag na nakapagpiyansa na siya?

Marahil ang nais ng mama ay konsiderasyon sana dahil magpipiyansa na siya tapos dinakip pa. Ano pa man, harassment ba ang lahat o mali nga ba ang pag-aresto?

Kung pagbabasehan ang pangyayari nang arestohin si San Mateo, ayon kay Dela Cruz ay walang mali sa pagdakip. Una kasi ay hindi pa piyansado si San Mateo at nang arestohin ay binasahan siya ng Miranda Rights ni Dela Cruz bago dinala sa presinto para sa booking.

Matapos nga ang booking ay sinamahan ni Dela Cruz si San Mateo sa korte sa pagpiyansa.

Meaning, hindi pa nga nakapagpiyansa si San Mateo nang arestohin siya taliwas sa sinabi ng pinuno ng PISTON.

Makaraan makapagpiyansa. Ibinalik sa pre­sinto si San Mateo para maitala  sa blotter ang kanyang release base sa utos ng korte.

“Walang panggigipit na nangyari. May warrant siya at hindi pa nakapagpiyansa nang ares­tohin namin siya. Matapos nga ang booking process ay sinamahan ko pa mismo sa korte para sa pagpiyansa niya at nang ipag-utos ng korte na palayain matapos magpiyansa ay ini-releas ko agad siya. Kaya ang amin ng aking mga pulis ay trabaho lang ang lahat at ipinatupag nang naaa­yon sa batas,” pahayag ni Supt. Dela Cruz.

Ganoon naman pala, trabaho lang naman pala ang lahat sir George. Gayon pa man, marahil ang hinahanap sa nangyari ni San Mateo ay konsi­derasyon dahil nasa bukana na siya ng Hall of Justice para magpiyansa ngunit, dinakip pa rin siya.

Magkaganoon man, laya na muna pansamantala si San Mateo at ipagpapatuloy daw ang ‘laban’ para sa mahihirap na jeepney driver at ope­rator.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *