Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie, ‘di totoong tsinugi sa HSH

TALIWAS sa isinulat ng isang kasamahan sa hanapbuhay ay kabilang pa rin sa cast ng Home Sweetie Home si Ogie Diaz.

May inilabas kasing item ang isang fellow columnist (hindi rito sa Hataw) na sa pag-alis ni John Lloyd Cruz sa nasabing sitcom ay inalis na rin sina Ogie, Bearwin Meily at iba pa.

Although hindi pa confirmed kung totally out of the cast na si JLC, ang pansamantalang replacement sa kanya ay si Piolo Pascual.

Dagdag pa ng sumulat, mami-miss niya ang pasigaw-sigaw ni Ogie na gumaganap bilang boss sa isang opisina.

But nope, Ogie’s still very much part of the riotous cast. In fact, nagulat  pa nga si Tita Cristy Fermin nang bumulaga sa kanya si Ogie nitong Huwebes sa kanyang art gallery. Nagkataong naka-tune in sila sa ABS-CBNna iniere pa ang teaser ng aabangang episode ng HSH.

“O, ‘kala ko ba, wala ka na riyan?” nagtatakang tanong ni Tita Cristy kay Ogie who makes her Mga Obra ni Nanay his regular stopover during lunchtime dahil malapit lang doon ang eskuwelahang pinapasukan ng kanyang mga anak.

In other words, patuloy ang pagiging bossy ni Ogie sa sitcom na nakuhang isakripisyo ng magsing-irog na sinaJLC at Ellen Adarna.

It’s not a “broken home,” after all.

STAR NI KRIS BERNAL
SA WALK OF FAME,
KAKUWESTIYON-KUWESTIYON

MAY punto ang mga netizen for raising the issue na hindi kuwalipikado si Jake Zyrus na bigyan ng kanyang bituin sa Walk of Fame na brainchild ng nasirang German Moreno.

Kung tutuusin, technically ay “bago” lang si Jake na dating Charice Pempengco. Kung ang dati niyang pangalan ang ginagamit niya, no question, she (he) deserves a spot there.

Tanggalin na natin ang technicalities, Jake is Charice and vice versa. Nagkaroon man ng pagpapalit ng pangalan, they’re still one and the same person.

Huwag na tayong masyadong maging mahigpit dahil ang pinag-uusapan naman dito’y ang track record o talaan ng mga achievement ng isang inductee.

Kung tutuusin nga’y long overdue na ang parangal na ito kay Jake (or Charice as the case may be). Mas kakuwestiyon-kuwestiyon pa nga sa amin ‘yung pagkakabilang ni Kris Bernal.

Buh-kit?! Ano na ba ang napatunayan ni Kris Bernal? Puwede pa, Kris Aquino or direk Joyce Bernal, ‘no! Pero si KB, aney ang “K”???

HOT, AW!
ni Ronne Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …