Thursday , August 21 2025
Students 20 percent discount

Fare discount na pinalawak ikinasa ni Angara (Maagang Pamasko sa estudyante)

MAKATITIPID na sa pasahe at pabaon sa kanilang mga anak na estudyante ang mga magulang kapag naa­probahan ang sponsor na panukalang batas ni Senator Sonny Angara, na naglalayong palawakin ang 20% fare discount ng mga mag-aaral.

Sa panukalang ito, sakop ng diskuwento ang iba pang uri ng transportasyon tulad ng eroplano, barko at tren.

“Ito po ay isang maagang Pamasko sa ating mga mag-aaral. Tiyak na makatitipid ang mga magulang dahil alam naman nating hindi lang matrikula ang kanilang pinagkakagastusan kundi pati na rin ang baon at pasahe ng mga estudyante,” ani Angara, isa sa mga may akda ng Senate Bill 1597, at vice chairman ng Education Committee sa Senado.

“Hindi lang mga estudyante mula sa mga pampubliko o pribadong paaralan ang makahihinga nang maluwag dahil dito, kundi partikular ang kani-kanilang mga magulang. At higit na makagagaan ito sa mga kababayan nating kabilang sa indigent sector o iyong mga salat na salat sa buhay,” dagdag ng senador, kilala rin bilang educational reforms advocate at isa rin sa mga may akda ng Free College Law.

Sa naturang panukala, ang lahat ng estudyante, kasama ang nasa technical-vocation institutions, ay kailangan pagkalooban ng 20 porsiyentong diskuwento sa iba’t ibang uri ng transportasyon tulad ng jeep, bus, UV Express vans, taxis at transport network vehicle services, na kinabibilangan ng Grab at Uber, MRT, LRT.

Kinakailangan lamang magpakita ng mga karampatang dokumento tulad ng school ID, ang isang mag-aaral upang mapatunayang siya ay estudyante. )

Ang diskuwento ay walang pipiliing araw dahil maging sa weekends, summer breaks, at holidays ay ipag­kakaloob ito sa mga estudyante.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Nicolas Torre III

Torre pinanindigan balasahan sa hanay ng PNP top officials

ni ALMAR DANGUILAN PINANINDIGAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Nicolas Torre III ang …

Jose Antonio Goitia Bongbong Marcos

Laban ni PBBM vs korupsiyon at palpak na flood control, laban din ng bawat Filipino

“SA PANAHONG dumaranas ng matitinding pagbaha at iba’t ibang uri ng kalamidad, hindi na makatuwiran …

Brian Poe Llamanzares

Online gambling tanggalin, magtuon sa ibang pinagkukunan ng buwis

BINATIKOS ni Rep. Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan ang maliit na ambag ng online …

Warrant of Arrest

Kelot arestado sa kasong kalaswaan

Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) katuwang ang …

Gagamba Spider

26 naaresto sa derby ng mga gagamba sa Bulacan

DALAWAMPU’T anim na katao ang naaresto sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng mga tauhan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *