Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JoshLia, panghatak sa millennials ng Sharon-Robin movie

UMAALMA ang fans nina Julia Barretto at Joshua Garcia dahil anila’y bakit parang lumalabas lang na support ang sikat nitong loveteam sa reunion movie nina Sharon Cuneta at Robin Padilla?

Teka, isn’t it the other way around pa nga?

Dapat maging aware ang mga JoshLia fans na hindi so-so ang mga bituing makakasama nila sa pelikula. Sina Sharon at Robin lang naman ang mga ‘yon na kung tutuusin pa nga’y hindi kailangan pang magkaroon ng teen loveteam para kumita ang kanilang movie.

At saka that’s the way it is sa mga panahong ito. Hindi naman ibig sabihin that without JoshLia in the movie ay hindi magiging blockbuster ang Sharon-Robin film.

The Joshua and Julia tandem serves as an “added attraction” para makuha ang millennial market.

Oo nga’t Joshua and Julia can stand on their own, pero let’s face it, iba pa rin kung may makakasama silang “senior stars” who, in fairness, ay hindi pa rin pinaglilipasan ng panahon.

Bigyan naman sana ng mga tagahangang ito ng karampatang paggalang which is due Sharon and Robin na mas matagal nang nasa industriya kaysa mga iniidolo nila.

Same thing sa ilang mga tagasuporta nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Why rebel against te inclusion of Angel Locsin sa kanilang teleserye?

Angel is a league of her own. Walang comparison ang narating ni Angel sa mga naabot ng KathNiel.

Kung sina KathNiel nga are getting along well with Angel, sino ang fans na ‘yon to decide for their idols?

Paminsan-minsan ay dapat lawak-lawakan ng mga faney na itey ang kanilang makikitid na pag-iisip.

Kung sila ngang mga iniidolo n’yo, walang reklamo ay kayo pa kaya?

PAG-AALAGA
NG BUHOK, KAILANGAN
NI VICE GANDA

MAY nagpapayo ba kay Vice Ganda on proper hair care?

These days ay makikita siya sporting a new hair color.

Ngayon, hitsura ni Goldilocks ang kulay ng buhok niya, tuloy ang kulang na lang kay Vice Ganda ay ‘yung tatlong oso.

Kung hindi kami nagkakamali, ilang linggo lang tumatagal ang hitsura ng kanyang buhok, pagkatapos ay iba na naman ang kanyang look.

Kapansin-pansin na kasi ang pagri-recede ng kanyang buhok, lumalapad ang noo niya each passing day. May kinalaman ba ito sa kanyang malimit na pagpapakulay ng buhok?

Mukha ngang mamahalin ang ginagamit na hair dye sa kanya, no question about that.

Bakit hindi na lang siya magsuot ng peluka na iba-iba ang kulay at style rather than putting his hair at risk?

HOT AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …