Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

PA, ‘di natiis ang tantrums ni komedyana

NITONG ikatlong quarter lang nagbitiw sa kanyang tungkulin bilang PA ang isang beki sa kanyang among komedyana.

Ang dahilan: hindi na raw niya kayang sikmurain ang temper tantrums nito. Sey ng bading na aming nakausap, “August lang this year nang mag-resign ako. Actually, marami nang beses na ganoon kasama ang trato niya sa akin pero the height na ‘yung pinakahuli.”

Kuwento niya, “Inaamin ko naman din ang pagkakamali ko, kasi inuutusan niya ‘yung driver niya na bumili ng seaweeds kasi nabulok na sa ref ‘yung ipinabili niya. Eh, ‘di ba, puro organic ang tine-take ng lola mo? Ang mali ko, hindi ko tsinek sa driver kung anong kotse ‘yung dapat gamitin. Eh, ‘yung ginamit, ‘yung van. Hayun, naaksidente sa daan ‘yung van. Naku, pinagmumura niya ‘ko ng PI! Mula noon, nagbalot-balot na ‘ko kasi sa kanya ako nakatira. Tinext ko na lang siya na hindi na ako babalik sa trabaho.”

Mismong ang source namin ang nagpatunay na malayo sa public image ng komedyana ang ugali nito sa totoong buhay, “Hmp! Hindi niya deserve ‘yung iginawad na award sa kanya, ‘no! Bait-baitan lang siya, sa trulili lang!”

Da who ang komedyanang itey na wala rin palang maid of cotton na tumagal sa kanya? Itago na lang natin siya sa alyas na Aicelle Alaska.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …