Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, binansagang manloloko, paasa, at sinungaling

MAY responsibilidad ang isang celebrity sa kanyang mga tagahanga kung lumalampas na ang mga ito sa linya ng kagandahang-asal. Kamakailan ay biktima ng pamba-bash ang isang Thai host sa isang event sa Thailand na dinaluhan ng magnobyong Tom Rodriguezat Carla Abellana, kasama si Alden Richards.

Since sa Thailand ang event, natural na mga Thai ang nasa audience na siguro’y pamilyar sa tatlong biruin lalo na kay Alden.

Simple lang ang pampakilig na tanong ng host kay Alden kung single o unattached pa ito, na sinagot naman ng aktor ng, “Yes, I’m single.” Pero hindi ‘yon nagustuhan ng fans ni Maine Mendoza who began calling Alden names tulad ng manloloko, paasa, at sinungaling.

Maging ang pobreng Thai host ay hindi nakaligtas sa pamba-bash ng fans ni Maine.

More than before ay higit naming napagtanto na watak-watak na nga ang AlDub nation. Ang dating solidong grupo na todo-suporta sa phenomenal loveteam ay nabuwag na.

Given this ay may tungkulin si Maine na i-pacify ang kanyang fans na pati si Alden at ang Thai host ay binu-bully nila. Eh, sa single nga si Alden (as far as he’s concerned) ayon mismo sa kanya, anong gustong mangyari ng mga tagasuporta ni Maine?

Bakit noong panahong iniuugnay si Maine kay Sef Cadayona ay hindi naman nag-aklas ang fans ni Alden at hindi siya tinawag na manloloko, paasa, at sinungaling?

Ang batas bang dapat umiral sa mga babae’y hindi puwedeng i-apply sa mga lalaki? Minsan nang “kinastigo” ni Maine ang kanyang mga misbehaving fan, hinihintay din ngayon ang kanyang pagsuheto sa mga ito.

CONSTRUCTIVE AT HINDI
PAGHAMAK KAY MOCHA
(pag-eedit ng sulat kay Andanar)

ISANG propesor ng Pamantasan ng Pilipinas (UP) ang buong ningning na nag-post ng in-edit niyang sulat ni Asec Mocha Uson na lumiham sa kanyang superior na si Martin Andanar sa gusto nitong mangyari sa Rappler.

Hitsura ng manuscript na tadtad ng editorial marks (at corrections) ang edited version ng pormal na sulat ni Mocha. Puwede naman kasing paiksiin ito sa apat na pangungusap kompara sa bersiyon ni Mocha na maraming unnecessary words gayong hindi rin nito tinutumbok ang nais niyang itawid.

Para sa amin, walang masama sa ginawa ng propesor na ipinost pa niya sa social media. Taga-akademya siya, tungkulin niyang magturo lalo’t ang hinahawakan niyang subject ay Journalism.

Huwag din kasi masyadong mag-rely si Mocha sa limitado niyang nalalaman. Dapat ay ipinababasa o ipinakokorek niya ang mga inire-release niyang sulat sa mga kinauukulan.

Oo nga’t Medical Technology (MedTech) or pre-Med ang kursong tinapos ni Mocha pero hindi ‘yon excuse dahil may kinalaman sa komunikasyon ang departamentong kinabibilangan niya.

Hindi lang siya basta staffer doon, she’s next to Secretary Andanar na kilalang isang dating media practitioner bago naging Duterte appointee.
Sana’y constructive ang tingin ni Mocha sa inilabas na kritisismo ng UP professor na ‘yon, hindi upang ipamukha sa kanya ang kanyang kakapusan sa paghawak ng naturang puwesto.

From our mistakes ay natututo tayo. Sana’y ganito kabukas ang isip ni Mocha.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …