Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Rehabilitasyon ng Marawi hindi matutulad sa Yolanda

8 NOBYEMBRE 2013 nang bayuhin ng supertyphoon Yolanda ang Eastern Visayas. Nag-iwan ito nang mahigit 6,300 kataong namatay, at mahigit 1,000 katao ang nawawala.

Apat na taon na ang nakalilipas pero hanggang ngayon ay masasabing hindi pa rin tuluyang nakababangon ang mga kaawa-awang Waray-Waray na naging biktima ang bagyong Yolanda. Tahasang masasabi na bigo ang rehabilitation program ng nagdaang administrasyon para tuluyang makabangon ang mga taga-Eastern Visayas.

Umaabot sa 16,846 ang naipatayong bahay para sa mga biktima ng Yolanda sa kabuuang 56,000 permanenteng kabahayan na ipinangako ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kasalukuyan, marami pang biktima ng Yolanda ang nasa resettlement areas, kapos sa pagkain at walang malinis na tubig na inumin. Limang resettlement areas lamang sa kabuuang 86 ang may maayos na supply ng tubig, at 59 sites ang may elektrisidad na nagagamit.

Ganito ang nangyari sa Yolanda rehabilitation program na ngayon naman ay maraming umiintriga na malamang daw ay magaya lang ang gagawing rehabilitation program sa Marawi City na winasak ng limang-buwang giyera.

Hinuhulaan ng mga intrigador lalo ng mga dilawang grupo na mangyayari tiyak na magiging talamak ang korupsiyon, at mabibigo si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang gagawing programa para makabangon ang Marawi City.

Pero mukhang mapapahiya ang mga taong umasa at gustong mabigo ang rehabilitasyon ng Marawi City. Mismong si Digong na kasi ang tututok sa gagawing rehabilitasyon sa Marawi at malabong makapasok ang mga buwaya at magnanakaw sa pondong gagamitin sa programa.

Itinalaga ni Digong si housing czar Eduardo del Rosario, isang retired general, bilang hepe ng Task Force Bangon Marawi, kasama sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, DPWH Secretary Mark Villar.
Titiyakin ng TF Bangon Marawi ang pagtatayo ng mga bahay, panunumbalik ng suplay ng tubig, koryente at iba pang public utilities. Tiyak na sisiguruhin nila, sa atas na rin ni Digong na tatapusin nilang maipagkaloob ang pangangailangan ng mga biktima ng Marawi siege.

Naririyan ang mga aktor na tutulong at mga NGO na susuporta sa usaping pinansiyal at iba pang pangangailangan ng Marawi. At higit sa lahat ang mga lokal na pamahalaan ay handa rin umalalay sa lugmok na siyudad.

Kabilang si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa tutulong sa TF Bagong Marawi, at kamakailan ay kanyang pinulong ang mga Muslim na Ilocano sa buong lalawigan para ikonsolida ang tulong na maibibigay upang madaling maisagawa ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Makikipag-ugnayan din si Imee sa mga lokal na pamahalaan para higit na maisulong ang pagbangon ng mga residente sa Marawi City kabilang ang pagbibigay ng ayuda ng kanilang grupo. (30)

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *