Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xander Ford, pinapadrino para makapasok sa Kapamilya Network

MAY narinig kaming pinapadrino ang kampo ni Xander Ford para magkaroon ng trabaho sa ABS-CBN.

Ang taong ito’y hindi na bago sa pandinig ng mga showbiz folk. Siya’y walang iba kundi si Bernard Cloma.

Sa mga hindi nakakakilala sa taong ito, si Bernard ay ‘yung pamilyar na mukhang laging kasa-kasama ng mga sikat na bituin—here and abroad—sa iba’t ibang lugar lalo na kung may mga mahahalagang event.

Kay Bernard daw humihingi ng tulong ang kampo ng retokadong baguhan dahil sa mga petmalu nitong koneksiyon sa bakuran ng ABS-CBN.

Parang hindi naman, o tanggalin namin ang salitang “parang.”

Kung ito ang paniniwala ng side ni Xander, tiyak na “pinaandaran” sila ni Bernard at agad naman silang sumakay sa paandar nitong malakas ang kapit niya sa Dos.

Hindi sa sinisiraan namin ang taong ito, pero ang mga mismong kakilala na ni Bernard ang sumusumpa na sa sampu nitong sinasabi ay 11 ang walang bahid ng katotohanan.

At saka sino si Cloma sa mundong ginagalawan ng mga artista, manunulat na tulad namin at iba pang mga manggagawa sa showbiz?

Sabit lang siya madalas sa mga rich and famous, nagpapa-picture kasama ang mga ito na aksidenteng nakakabungguang-siko lang niya.

Sana man lang kung reporter o talent manager si Bernard, kaso wala sa mga nabanggit. So how can he boast of showbiz connections?

Payo sa kampo ni Xander Ford: hindi padrino ang kailangan ng retokadong nilalang na ito kundi tamang wisyo!  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …