Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Tinawag bang ‘bobo’ ni JV si Alvarez?

KUNG may pakiramdam lang si House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, dapat ay natauhan na siya nang sabihin ni Sen. JV Ejercito na ang Senado ay isang institusyong responsable at nag-iisip.
Ang pahayag ni JV ay bilang tugon sa ginawang pang-iinsulto ni Alvarez matapos sabihin na ang Senado ay isang Mabagal na Kapulugan ng Kongreso imbes Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
Nag-ugat ang palitan ng maaanghang na salita nang sabihin ni Alvarez na sa kabila nang mabilisan nilang pagpasa sa mga panukalang batas, patuloy naman itong nabuburo o nakabinbin sa Mabagal na Kapulungan ng Senado.
Sabi ni Alvarez, masisipag ang kanyang mga congressmen at ipinagmayabang na umaabot sa 110 bills ang kanilang naipasa sa third and final reading sa first regular session.
At hindi naman ito nagustuhan ni JV. Kaya nga kung susuriing mabuti ang naging tugon ni JV, ay kasingkahulugan nang pagsasabing ‘bobo’ si Alvarez. 
Hindi man direktang sinabi ni JV na mahina ang ulo ni Alvarez sapat na ang sabihin niyang nag-iisip ang mga senador, at siyempre pinag-aaralang mabuti ang lahat ng panukalang batas na kanilang aaprubahan.
Malaking problema talaga ngayon ang leadership ng Kamara.  Hindi man masasabing ‘bobo’ baka lusot ito sa lebel ng pagiging incompetent. Bagsak ang grado ng Kamara dahil sa mga kapalpakan nitong si Alvarez kasama na ang kanyang barkadang si Rep. Rodolfo Fariñas.
At hindi ba’t lagapak ang performance rating ni Alvarez sa Pulse Asia at SWS nang pamunuan niya ang Kamara? Ang trust rating nitong si Alvarez sa huling survey ng Pulse Asia ay bagsak sa 31 percent mula sa 41 percent at ang approval rating naman ay 33 percent na dating 43 percent.
Ganoon din ang kanyang performance rating sa SWS mula sa 34 percent ay sumadsad ito sa 26 percent. Ito ang itinuturing na pinakamababang nakuha ni Alvarez  bilang speaker ng Kamara.
Hindi rin maipagmamalaki ni Alvarez na maraming naipasang bills sa Kamara dahil hanggang ngayon ang pederalismo na isinusulong ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi umuusad kabilang na ang contractualization, emergency power, diborsiyo at Freedom of Information bill.
Sa kasaysayan ng lehislatura, maituturing ang Kamara sa ilalim ni Alvarez ang pinakamagulo at pinakapalpak kung susukatin ang kanyang liderato. Kahit ang mga kaalyado ni Digong ay kinakalaban niya tulad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Ilocos Norte governor Imee Marcos. 
Ganoon din si Rep. Floirendo na sa kabila ng paggiging malapit kay Digong, nagawa niyang sibakin bilang kasapi ng PDP-Laban. At ngayon naman, kahit na nananahimik, pilit na kinukursunada ni Alvarez ang mga senador kahit pa mga kaaalyado ni Digong.
Tulad ni Alvarez, marami talagang nakapalibot kay Digong na patuloy na nakasisira sa kanyang administrasyon.
Hoy mga kamote, lumayas na kayo!

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *