Saturday , November 23 2024

Sangkot na barangay at PCP officials papanagutin

BAGO tayo pumalaot mga ‘igan, nais po muna nating batiin ng happy happy 70th birthday si Barangay Kagawad ‘este tanod Dominador Diana. Ang pagbati’y nagmula sa kanyang mapagmahal na mga anak na sina Arnold, Orlie, Erik, Efren, Don-Don at Len-Len Diana. Mabuhay ka Ka Domeng!

TUNAY na katawa-tawa mga ‘igan ang naganap na “clearing operation” sa Lawton ng Manila Development Authority (MMDA) sa pangunguna ni Chairman Danny Lim kamakailan lang. Mantakin n’yong imbes masorpresa ang mga tarantadong sangkot sa ilegalidad sa Lawton, partikular ang illegal terminal sa Plaza Lawton, aba’y ang MMDA ang nasorpresa! Malinis daw! Ha ha ha…pwee! At take note mga ‘igan, kasama ng MMDA ang mga animal na salarin sa paglusob…ha ha ha…Sus ginoo! Ano ba ito ‘igan?

Ang siste, bago pa umano maganap ang nasabing clearing-operation, aba’y naitimbre na ito sa mga sangkot sa katiwalian sa Lawton. Pero, teka, sino ba ang tinimbrehan? Ayon sa aking pipit-na-malupit, natimbrehan ang barangay officials at ilang opisyal ng Manila City Hall na kasabwat sa kurakutan sa Plaza Lawton. Kaya’t hayun, madaling nakapagbalot-balot ang mga salot sa Lawton at talaga namang nakipagtaguan sa MMDA.

Pagkaraan nang ilang oras, hayun na naman sila, partikular ang Don Aldrin Bus at ang Kersteen Joyce Bus na talaga namang walang takot na pumaparada sa harap pa man din ng opisina ni Lawton PCP commander Senior Inspector Randy Pasta Veran.

Sus, what does it mean ‘igan? Magkanong halaga ba ito?

Ang isa pang malaking katanungan ano ang ‘sticker’ na nagsisilbing ‘passes’ ng mga driver para makagarahe sa Liwasang Bonifacio na hindi naman dapat? Ito ba ang sticker ni Brgy. 659-A Chairman Ligaya V. Santos na tahasang nagsasabing pumapayag siyang magpa-park at magterminal sa Plaza Lawton?

Aba’y kaninong bulsa napupunta ang koleksiyones dito sa simula’t simula pa? Sino-sino ang mga naaambunan ng mga salaping ito na tiyak na mayaman na?

Ayon umano kay MMDA Asst. General Manager Jojo Garcia, hindi na mahalaga na paimbestigahan pa kung may binabayaran ang mga pasaway na mga driver. Ha!? Aba’y sadyang napakahalaga nito! Lalo kung kanino sila nagbabayad! Ano’t ayaw paimbestigahan ang kurakutan? Ano’t ayaw paimbestigahan ang matataas na opisyal na sangkot dito? O baka naman may nalalaman kayo tungkol dito?

Tunay na baboy na baboy na ang Liwasang Bonifacio at Plaza Lawton, kailan ba ito matutuldukan?

Sa ngayon, nagkalat ang mga pampasaherong bus, sampu ng mga kolorum na van at UV Express, na nakabalandra sa daanan ng mga sasakyan sa Lawton, illegal parking na illegal terminal pa! MMDA Chairman Danny Lim, Sir, muling makipaglaro ng taguan sa matataas na opisyal ng barangay at ng Manila City Hall. at nawa’y…tunay mo na silang mabulaga!

PDU30
nakipagkasundo
sa Japan

Umuwing bitbit ni Ka Digong ang mga naisarang kasunduan sa Japan. “I am glad to be back from Japan. I am pleased to report that my visit to Tokyo was most productive and engaging. I met my good friend Prime Minister Shinzo Abe and discussed with him concrete, time-bound and specific ways to further intensify bilateral cooperation. On top of my agenda is the vital support for the centerpiece projects under the Philippines, Build, Build, Build Program. This covers huge impact social infrastructure projects that our country needs to sustain economic growth and improve the quality of life of our people,” ani Ka Digong. “Many more projects will be rolled off under Japan’s trillion yen or closed to $9 billion of assistance, Prime Minister are committed to give flesh to Japan’s special assistance program,” dagdag ni Ka Digong.

Go go Ka Digong. Tunay kang maaasahan ng sambayanang Filipino. Batikos nila’y huwag pansinin, bagkos kapakanan ng bayan ang pagkaabalahan.

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *