Saturday , November 23 2024
STEVEN YEUN

Mayhem ni Steven Yeun, kinatakutan ng mga taga-MTRCB

TAMA ang mga nababasa ko ukol sa pelikulang MayHem na itong pelikulang ito ay nakasisira ng ulo dahil sa pinaghalong horror, dark comedy na idinirehe ni Joe Lynch at ire-release ng Star Cinema at mapapanood na sa Nobyembre 8.

Nakasisira ng ulo in the sense na mapapaisip ka kung paano nangyari iyon at sobrang nakatatakot. Kaya naman pati ang mga taga-MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na nag-rebyu ng pelikulang ito, ayon nga kay Enrico Santos (CDG and New Media head) ay natakot talaga. Kaya naman nakakuha ito ng R-18 classification.

Ang MayHem ay pinagbibidahan nina Steven Yeun, Samara Weaving, Dallas Mark Roberts, Caroline Chikezie, mark Stewart Frost, Kerry Fox, Lucy Cappel, at Steven Brand.

Ani Santos, ”’Yung ginagawa ni Yeun sa ‘The Walking Dead’ ay  inulit niya rito ‘yung mga pinapatay doon. This time siya ang na-infect, siya ang nagka-virus. ‘Yung virus na nandito medyo kakaiba hindi ka nagiging zombie. Pinapatay mo ang malupit mong kaaway. So, anger virus siya.

“Bagong concept, parang nawawalan ka ng control sa iyong theory or rage, so pinapatay mo. Na-quarantine sila roon sa building, pinapatay nila ang kagalit nila sa office.”

Sinabi pa ni Santos na marami nang award ang napanalunan ng MayHem movie tulad ng Audience Award winner sa Chattanooga Film Festival 2017, Fantasia Bronze Audience Winner Award 2017, Official Selection Motel/X Lisbon International Horro Film Festival 2017, at  Official Selection SXSW Film Festival 2017.

“Actually, it’s an American horror movie. Hindi ba nauuso ngayon ang American horror na may commentary, tulad ng ‘Get Out’. May social commentary on racism. Ito (Mayhem), parang American horror commentary on corporate grid, office politics, people na nagpa-plastikan, corporate hypocrisy. Ultra-gore, nagpapalakulan sila dahil kinuha nila ‘yung palakol na nasa fire escape, ganoon,” esplika pa ni Santos.

Dagdag pa ni Santos, ”Forty eight hours na gagaling ka na parang trangkaso, pero paggising mo without the fever, napatay mo na ang iyong kagalit na manager o sino pa man. So, it’s an interesting concept. Hindi ito like ‘Train to Busan’ na sweet ang pagka-zombie. Ito medyo parang tinawag siyang something virus, anger virus, pero parang zombie ang behavior pero angry and intelligent.

“Panglalaki itong pelikula. Pangtrip-trip, napapatili ang ka-date n’yo, mapapayakap. That kind of movie na Rated R-18 kaya nga napa-five man committee kami (MTRCB) natakot sila.”

Samantala, si Lynch ang nagdirehe ng mga pelikulang  rong Turn 2, Dead End, Knights of Badassdom, atEverly.
Kaya kung gusto ninyo ng tunay na horror film, ito ang para sa inyo, ang Mayhem na palabas na sa Nob. 8

COCO,
NAKIPAGTULUNGAN
PARA MABUO ANG
ANG PANDAY
MOBILE GAME APP

coco martin ang panday mobile app

KAHANGA-HANGA talaga ang isang Coco Martin. Bukod kasi sa pagiging director, actor, creative writer, pinasok na rin niya ang pagde-develop ng mobile game app.

Noong Sabado, inilunsad ang Ang Panday mobile game app sa pakikipagtulungan ng Synergy 88 Digital. Ang larong ito na isang action-adventure ay nagtatampok sa mukha at boses ng Primetime King.

Giit ni Coco, ”Gusto kong makilala ng mga bata kung sino si Panday.

Iyong new generation ang kilala na nila si Thor. Mayroon din naman tayong superheroes na maipagmamalaki;
Ang main character sa mobile game na ito ay tulad ng sa pelikula ni Carlo J. Capara, si Flavio na magtatampok sa pakikipaglaban nito sa mga masasamang loob at evil spirit gamit ang lakas ng kanyang kamao, motorsiklo, at siyempre ang maalamat na tabak ni Panday.

Ani Coco, tiniyak nilang hindi masyadong bayolente ang game app na kahit ang tatlong taong gulang ay puwedeng makapaglaro. ”Hindi namin ginawang sobrang violent. Hindi lang siya laban ng laban. May reason bakit siya nakikipaglaban.”

Sinabi naman ni Elize Estrada, PR manager ng Synergy 88 Digital,

“Kahit nga isang taong gulang puwedeng makapaglaro.”

Sinabi naman ni Miker Rivero, Synergy 88’s senior manager for business development na ang mga game item ay mura at kayang-kaya ng mga maglalaro. Ang mga game item ay nagkakahalaga lamang ng P1 at P5 dahil idinesensiyo sila para makaya ng masa.

Idinagdag pa ni Coco na ang  full version ng 64-MB mobile app ay hindi pa maire-release hangggang December dahil magsisilbi iyong sneak peek ng pelikula nila bilang siya ang bida, director, at prodyuser.

“Bawat pupuntahan ni Panday, pupuntahan din niyong game na iyan. Simulan muna natin sa games tapos after that at saka natin itawid sa pelikula,” esplika ng actor.

Kaya ngayong buwan, ang demo version muna ng laro ang available sa Google Play.

Sa kabilang banda, hindi itinago ni Coco ang paghanga sa mga gumagawa ng mobile game app sa presscon nito noong Sabado sa SMX Convention Center, ”Ang galing a, kaya na pala ng Pinoy ito. Siyempre hindi naman ako ganoon ka-updated na sa sobrang pagka-busy ko hindi ko ine-expect na parang ang galing na palang gumawa ng mga Pinoy. Sabi ko, kaya na pala nating magkuwento thru games, animation na parang totoong gumagawa ka na ng isang pelikula.

“Sabi nga nila maraming mga Hollywood movie na mga Pinoy ang gumagawa. So roon na nag-start na ipinagawa ko ang animation ng Ang Panday sa kanila. Tapos habang nagmi-meeting kami, nagbibigay ako ng ideas about the kuwento kung ano ang tatakbuhin ng kuwento ng Ang Panday. In-offer nila ako na ‘what if mag-collaboration tayo, mag-join force tayo. Kung pwede kung gusto mo, mag-isip ka ng konsepto mo at gagawin naming games.’

“Sabi kong ganoon, this time na sa akin Ang Panday, bakit hindi natin simulan ang ‘Ang Panday’?‘Di ba isa ang Ang Panday sa kauna-unahang superhero na original na nilikha ng Pinoy na talagang wala tayong pinaggayahan. Sabi ko bakit hindi natin dito simulan. Kaya ayun, nag-collaborate kami, rito namin sinimulan.

“Ako ang nagsabi ng magiging looks ni Panday, kung ano ang susuutin niya, sword, weapon, strategic, kuwento niyon. Sabi ko, para sa akin, kahit games, dapat may kuwento. Parang puzzle, mayroon kang sinusundan, may mission. ‘Yun nagkasunod-sunod na,” mahabang esplika pa ni Coco.

At dahil dito, marami na ring project ang pumasok sa kanila tulad ng sa La Luna Sangre at may ginagawa rin sila ukol sa mga singer na application ng mga gustong kumanta na parang feeling may ka-duet na totoong singer.

Sinabi pa ni Coco na mayroon pa silang ibang proyekto o konseptong binubuo, iyon ay ang paggawa ng iba pang games. Na kung dati’y nauunang nababasa sa komiks, ngayon, isa muna iyong laro bago isapelikula.

Tunay na napaka-taba ng utak ni Coco na napakaraming ideang pumapasok sa kanya.

Available na ngayon ang Ang Panday mobile game app sa pamamagitan ng Google Play.

coco martin birthday cake

WISH NI COCO
SA IKA-36 KAARAWAN

KASABAY ng paglulunsad ng Ang Panday mobile game app ang pagbati sa kaarawan ni Coco. Sa Nobyembre 1 ipagdiriwang ng Primetime King ang kanyang ika-36 taon kaya naman natanong ang actor kung ano ang wish ni?

“Wish ko lang iyong health ko, ito pa rin, malakas at masaya,” aniya. ”As of now, kung ano ang ibinibigay sa akin na blessing at opportunity, iga-grab ko. Ayokong palampasin iyong pagkakataon dahil napakatagal ko itong hinintay.”

Nang tanungin siya kung ano ang wish para sa kanya tulad ng lovelife, sinabi nitong, ”Ako, at saka na. Marami namang time pa.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *