Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phoebe Walker ipinagtanggol si Coco Martin!

Phoebe Walker is bursting with enthusiasm that she has been able to work with Coco Martin.

Agad dinepensahan ni Phoebe ang co-star na si Coco Martin sa isyung naninigaw raw sa set ng Ang Panday ang aktor. May kumakalat kasing balita na sinisigawan raw ni Coco ang cast ng pelikula kapag mainit raw ang ulo nito.

Si Coco ang tumatayong producer, director, at main lead ng remake ng pelikula na pinasikat ni Fernando Poe Jr. Ikino-consider ni Phoebe na napakasuwerte niya na mapabilang sa supporting cast ng remake nang isa sa entries sa 2017 Metro Manila Film Festival.

When asked if it’s true that Coco Martin was acting like a highstrung director and would usually scream at the cast, Phoebe said that this is not the case. “Wala, wala, wala pa naman akong nai-experience na naninigaw siya,” she elucidated. “Siyempre, ‘pag inaabot kami ng dis-oras na ng umaga, minsan may mga nagkakamali, ‘di maiiwasan na minsan may kaunting inis factor.

“Sa stress na rin siguro ‘yun.

“Pero ‘yung manigaw ng ano, ‘di ko pa na-experience.”

“Masaya ako,” she elucidated. “I’m happy na nakatrabaho ko si Kuya Coco.

“Noong nagpo-promote ako for Double Barrel, nagpaparinig ako na sana maka-Probinsyano ako, gano’n, ganyan.

“Pero at least, naka-Panday naman ako at na-meet ko siya.

“Masaya, mabait siya, maalaga.

“Of course, marami siyang ginagawa on the set kasi director, actor, producer rin siya.

“On the set rin siya mag-isip, adlib kumbaga.”

Nang tanungin kung paano hinahati ni Coco sa set ang pagiging producer, director, at lead actor niya sa Ang Panday, sinabi ni Phoebe na ‘pag ‘di raw siya kailangan sa eksena, he stays behind the scene at may assistant director naman siya.

“Pag take naman niya,” she asseverated, “like nagkaroon kami ng fight scene, dini-direct niya ako mismo habang nagba-blocking kami.

“Mahirap, pero nag-invite kasi siya ng mga foreign teams to the stunts, so sila ang mga naging fight directors namin, sila Direk Lao.”

Kuwento ni Phoebe, big production raw ang Ang Panday at ‘di biro-biro ang dami ng tao na hinahawakan ni Coco.

“Kalaban ako roon,” she intimated, “Minion ni Jake Cuenca.

“Siya ‘yung pinakakalaban ni Coco Martin.

“Isa akong manananggal, magta-transform ako into manananggal.

“Maiksi lang, small participation lang.

“Eighty kami na artista raw — twenty na main tapos sixty kami na support tapos ‘yung mga iba na extra-extra.

“Marami, big cast.”

Naikuwento rin ni Phoebe na si Coco raw ang mismong namili ng mga suporta sa pelikula.

Excited rin ang aktres na makasama sa Metro Manila Film Festival parade this year.

“Sabi ni Tita Malou Crisologo,” averred Phoebe, “Kami raw minions, hinand-pick raw.

“Ewan ko kung saan ako nakita ni Kuya Coco, siguro sa kapaparinig ko sa press, napansin ako.

Si Malou Crisologo ang tumatayong supervising producer ng naturang pelikula.

Say ni Phoebe, tatlong floats daw ng Ang Panday ang magbibigay aliw sa fans sa gaganaping parada.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …