Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fight scene nina Coco at Jake, komplikado, kalidad ang hanap

PAREHONG magaling na actor sina Coco Martin at Jake Cuenca kaya naman asahan na natin ang mga de-kalidad na acting ang mapapanood sa kanila sa Ang Panday na handog ng CCM Productions at entry sa Metro Manila Film Festival.

Ayon kay Jake, bukod sa matinding acting, modernong istorya, matindi rin ang aksiyon sa Ang Panday lalo na ang fight scene nila ni Coco bilang sina Flavio at Lizardo.

May pagka-komplikado rin ang fight scenes ng dalawa dahil ang kalidad ang gustong maabot ni Coco. Kaya umabot sa dalawang araw ang shooting nito.

Puring-puri naman ang lahat kay Jake dahil talaga namang ibang klaseng acting din ang ipinakita ni Jake. Tamang-tama ngang ang actor ang kinuha parang maging Lizardo dahil ito lang talaga ang makapagbibigay ng justice sa karakter nito.

“Intense ang fight scenes, hindi ganoon kadali. Pinaghirapan namin ang fights scenes,” kuwento ni Jake.

Ayon sa kuwento ng production, kada-take ay sinusuring mabuti ni Coco ang bawat anggulo dahil nais ng director/actor na maging sulit at masiyahan ang mga manonood sa December 25.

“’Pag pinanood ng tao ito, makikita nilang ‘wow ibang experience ‘to,’” nasambit ni Jake dahil siya man ay humanga rin sa ganda at husay na ipinakikita ni Coco sa pagdidirehe.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …