Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel limot na si Erich, may bago nang idine-date

ISANG masayang Daniel Matsunaga ang nakausap ng mga entertainment press sa presscon ng Spirit Of The Glass 2: The Haunted na mapapanood sa November 1 at idinirehe ni Jose Javier Reyes handog ng OctoArts Films at T-Rex Entertainment. Kaya pala ay mayroon na itong bagong inspirasyon.

Hindi naman itinanggi ni Daniel ang bagong nagpapangiti sa kanya na isang non-showbiz at sinabing nasa dating stage na sila.

Nilinaw naman niya na hindi ganoon kabilis siyang naka-move on sa kanilang hiwalayan ng dating GF na si Erich Gonzales.

Aniya, January this year pa nangyari iyon kaya hindi naman masasabing mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanila ng aktres.

Nang tanungin sa actor kung sino ang bagong idine-date. Ayaw na niyang pag-usapan pa. Basta iginiit nitong masaya siya sa ngayon at very blessed sa mga nangyayari sa kanya lalo na sa career.

“I’m really happy and really blessed. I am so busy now with work, buong buhay ko, very blessed since dumating ako sa ‘Pinas,” anito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …