Monday , December 23 2024

5 Termite gang members arestado (Nanloob sa China Bank sa QC)

KINUKUWESTIYON ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Eleazar ang mga miyembro ng Termite gang na nanloob sa isang sangay ng China Bank, makaraang maaresto sa follow-up operation ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detention Unit (CIDU) sa Cubao at San Jose del Monte City. (ALEX MENDOZA)

LUTAS na ng Quezon City Police District (QCPD) ang panloloob ng Termite gang sa China Bank Fairview Branch nitong 2 Oktubre makaraang madakip ang limang miyembro ng grupo sa follow-up operation sa Cubao ng nasabing lungsod.

Sa pulong balitaan, iniharap ni QCPD director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang mga suspek na sina Jordan Duldulao, 29; Gilbert Bautista, 26; Allyson Aligan, 23; Gearldine Bawas, 25, at Ambrose Rex Layao, 28-anyos.

Ayon kay Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), nadakip ang mga suspek nitong 3 Oktubre sa magkahiwalay na operasyon sa New York St., Cubao at sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Sinabi ni Sr. Insp. Allan Dela Cruz, hepe ng CIDU Theft and Robbery Section, nitong 3 Oktubre, nakatanggap sila ng impormasyon na ang grupong nanloob sa China Bank ay nakatakdang pasukin ang isang sangay ng Banco De Oro sa kanto ng New York St., at EDSA, Cubao.

Itinimbre ng impormante na ang sasakyang gamit ng mga suspek ay isang Mitsubishi Montero (AHN 858) dahilan u-pang agad magposte ng mga tauhan si Marcelo sa New York St.

Dakong 6:00 pm, namataan ng grupo ni Dela Cruz ang Montero at bumaba si Aligan saka sinukat kung ilang hakbang ang BDO mula sa kanto ng New York St., at EDSA.

Bukod dito, nakita si Aligan na may sukbit na baril sa baywang, tinanggal ito at iniwan sa sasakyan.

Nilapitan ng mga operatiba si Aligan at dinisarmahan habang ang apat pang mga suspek ay pinalabas mula sa sasakyan.

Kinompiska sa mga suspek ang kalibre .45 baril,.9mm caliber; kalibre .38, apat granada, at patalim.

Bukod dito, natagpuan sa loob ng sasakyan ang mga gamit ng grupo sa paghuhukay ng tunnel tulad ng hydraulic jack, metal bar, heavy duty hand drill, at screw driver.

Sa imbestigasyon, itinuro ng mga suspek ang kanilang kuta sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Nakuha sa lugar ang ilan pang gamit ng mga suspek sa paghuhukay.

(ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *