Thursday , December 26 2024

Philippine Legislative Police (PLP) Act ni Fariñas ibasura

ANO na naman ba ‘igan ang katarantadohang binuo nitong si House Majority Leader Rodolfo Fariñas?

Matapos batikusin ang hirit niyang dapat igalang ng mga enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang “parliamentary immunity” sa maliliit na traffic violations na magiging sanhi ng pagkahuli (late) sa sesyon ng Kongreso…sus ginoo…mantakin n’yo mga ‘igan, ipinanukala naman ngayon ng ‘mama’ na magbuo ng sariling police force ang Kongreso! Ha?

“Congress police force? Sosyal! Pero, buti na lamang mga ‘igan at may matitinong Kongresistang tumutol sa katarantadohan ni Fariñas.

“Philippine Legislative Police Act (HB No. 6208) – The PLP shall exercise the following duties and functions: a.) Secure the safety of all Members of the Congress, their spouses, and relatives, up to the second degree of consanguinity, upon determination and validation that their lives are under threat…”

Anong masasabi ninyo, Rep. Fariñas ‘igan? Sa madaling salita, ika nga’y…”This bill seeks to establish a Philippine Legislative Police which will exercise the primary responsibility of securing the safety of all Members of Congress.”

Ang nakababaliw dito mga ‘igan, aba’y extended ito, mula sa asawa’t anak hanggang…tiyuhin at tiyahin he he he…kasama kaya rito ‘yung mga animal na alaga nila? Kaya mga ‘igan, kung pagsasamahin nga naman ang dalawang panukalang likha ni Franing ‘este Fariñas, aba’y may pulis ka na (dahil sa PLP Act)…hindi pa huhulihin ng MMDA enforcers sa violations mo! He he he…

Magaling talagang mag-isip si Franing este Fariñas… pasuweldo ‘yan ng taongbayan/gobyerno o kukunin sa kaban ng bayan ang suweldo ng mga pulis na ‘yan pag nagkataon…magaling! Pwe!!! Bakit ‘di na lang kaya kumuha ng ‘private police/army’ si Fariñas para sa kapakinabangan ng kanyang pamilya at siya niyangng suweldohan?

Sa wakas
Hazing
matutuldukan na

Sadyang iginagalang mga ‘igan ang iba’t ibang samahan, kapatiran o ang tinatawag na “fraternity” sa bansa. Ngunit, kailanma’y hindi katanggap-tanggap ang may mamamatay na ka-brod nila dahil sa hazing, Dito umano maipapakita ang tapang at tikas ng kapatiran. Dapat nang ipagbawal ang initiation rites o hazing ng mga fraternity, na isinusulong ngayon ng ilang mambabatas at gagawin pa umanong mas mahigpit ang anti-hazing act. ‘Life imprisonment’ ang ipapataw sa makapapatay at makapananakit sa ilalim ng panukalang anti-hazing-act.

Sa kasalukuyan, nakatutuwa kung matutuldukan na talaga ang hazing na nakamamatay. Aprubado sa sub-committee ng kamara ang panukalang lubusang nagbabawal sa hazing. Nawa’y magtuloy-tuloy na ang pagdinig hingil sa hazing, upang mawakasan ang pahirap sa mga fraternity at maisaayos ang anila’y loopholes ng kasalukuyang anti-hazing-act.

Kung kapatid ang turingan sa kapatiran, bakit may patayan?

Operasyon sa illegal
terminal sa lawton…
ningas kugon

ISA, dalawang araw tumagal mga ‘igan ang ginawang operasyon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Lawton nang paghuhulihin ang mga bus na naka-park at ilegal na nagteterminal partikular sa harapan ng opisina nitong si Police Senior Inspector – Lawton PCP Commander Randy Pasta Veran, at sa ilalim ng tulay ng Jones Bridge, na sadya namang malaking sagabal sa daanan ng mga sasakyan d’yan sa Lawton. Ano’t nakapaparadang muli ang mga bus na “Kersteen Bus” at “Don Aldrin Bus” sa dating gawi? Gaano na ba kalaking pera ang usapin dito? Sapagkat, ayon sa aking ‘pipit-na-malupit,’ pera-pera talaga ‘igan ang usapan dito! Kay kakapal na ng mukha ng mga lingkod-bayang sangkot sa katiwaliang ito.

Bakit mga bus lang ang pinaghuhuli, bakit hindi hinuli ang mga pulis at ang mga opisyal ng Barangay 659-A Zone 68 na pinamumunuan ni Chairman Ligaya Santos. By the way bakit, sangkot sa kurakutan sa illegal terminal sa Lawton? Pera-pera din ba ang usapin dito? Paging…MMDA Chairman, Danny Lim, Sir! Muling nagsulputang parang kabuti ang mga bus na may illegal terminal sa Plaza Lawton, na inyong pinaghuhuli kamakailan sa inyong operasyon!

Nawa’y mabigyan ng leksiyon ang muling pagsulpot ng mga kabuti!

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani



About Johnny Balani

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *