Monday , December 23 2024

100s sparrows patay sa Malolos



INAALAM ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkamatay ng daan-daang ibong Maya sa isang lugar sa Malolos, Bulacan.

Sa ulat, sobrang nabahala ang mga residente dahil sa dami ng namatay na maya sa kanilang lugar.

Isa sa kanilang hinala, baka nagkaroon ng Avian influenza ang mga ibon dahil sa nangyaring bird flu outbreak sa ka-tabing probinsiya ng Pampanga.

Kaya ang nangyaring insidente ay agad nilang ipinaalam sa Bulacan Provincial Veterinary Office.

Ayon sa Provincial veterinarian doctor na si Voltaire Basinang, wala pang naitatalang kaso ng bird flu sa mga ibong Maya kaya hindi dapat mabahala ang mga residente.

Ang isa sa hinihinala niya ay posibleng may nagsaboy ng pesticide sa lugar na naging dahilan ng pagkamatay ng mga ibon.

Gayonman, inaalam ng mga kinauukulan ang tunay na sanhi ng pagkamatay ng maraming ibon na ngayon lang nangyari sa lalawigan.

ni MICKA BAUTTISTA



About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *