Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Image ni JLC, pinapangit ng kampo ni Ellen

WALANG puwedeng kumontra kung anong kaligayahan ang nadarama ngayon ni John Lloyd Cruz sa kapwa Home Sweetie Home star na si Ellen Adarna. Kung saan siya masaya ay dapat lang naman na suportahan.

Nasa tamang edad na si Lloydie at kung anong desisyon ang gusto niyang gawin ay okey lang naman.

Pero ang mga nagmamalasakit sa magaling na actor ay nalulungkot dahil sa mga larawang naglalabasan gaya ng f—you sign na kasama niya si Ellen at dalawa pang babae.

Sa estado ni Lloydie at bilang isang endorser dapat ay nag-iingat pa rin siya sa kanyang aksiyon. Sa totoo lang, tumataas ang level ni Ellen na kasama siya pero huwag namang hayaan ni JLC na bumaba ang pagtingin sa kanya ng netizens.

Pumapalag na kasi ang fans ni Lloydie sa mga naglalabasan niyang photo courtesy umano ng camp ni Ellen na mukha itong lasing, may kuhang nakahubad malapit sa dalawang tangke ng LPG, at may caption na, “He can’t breathe dawww>Ø#Ý Kulit mo baby boy hahahahah para kang bata.”

Bagamat na-delete na ang mga nakasisirang photo ay kumalat na ito sa social media.

Walang pakialam ang tao at walang masama kung gusto nilang magpakasaya, pero sana inisip din ng kampo ni Ellen na may image si John Lloyd na dapat pangalagaan at may mga ini-endorse.

Sana, bilang isa sa kasama si Ellen, pangalagaan niya at protektahan ang magaling na actor para hindi siya manega at mahusgahan na umano’y bad influence.

Patunayan dapat ni Ellen sa mga netizen na matino siyang kasama, karapat-dapat, at hindi masisira ang image ni Lloydie.

‘Yung mga kasama nilang barkada, dapat mamili rin ng ipo-post dahil hindi sanay ang netizens na ganoon ang hitsura niya.

Huwag sanang maging mitsa ang kampo ni Ellen sa pagbagsak ni JLC at mawalan siya ng ini-endorse.

Pakatatandaan ng doreenting na ‘yan na nag-post na kaibigan umano ni Ellen na wala siyang career na mawawala pero si John Lloyd ay mayroon. Okey lang mag-enjoy pero ‘wag magkalat.

Tama naman ang mga faney na ‘wag samantalahin ang kahinaan ni John Lloyd para ma-focus sa inyo ang atensiyon. Hindi ‘yan male starlet para sabihing ‘mind your own business’. Hindi sanay ang fans na nagdi-dirty finger ang idol nila.

‘Yun lang naman!

TALBOG
ni Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …