Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel at Xian, wagi sa Star Awards

DALAWANG award ang napanalunan ni Daniel Padilla sa nagdaang PMPC’s 33rd Star Awards For Movies na ginanap sa Resorts World Manila noong Linggo ng gabi.

Ang loveteam nila ni Kathryn Bernardo ang itinanghal na Loveteam of The Yearat si Daniel naman ang Movie Actor of the Year para sa pelikulang Barcelona (The Love Untold).

Present sa okasyon si Daniel kaya personal niyang nakuha ang dalawang trophies niya. Masaya ang aktor sa pagkapanalo ng loveteam nila ni Kathryn, pero mas doble ang kasiyahang naramdaman niya na siya ang itinanghal na Movie Actor of the Year. Ito kasi ang first time na kinilala ng isang award giving body ang husay niya sa pagganap at first time niyang tumanggap ng acting trophy.

In fairness, mahusay naman talaga si Daniel sa nasabing pelikula kaya deserved niya ang pagkapanalo. To Daniel, our congratulations.

***

SI Xian Lim naman ang itinanghal na Movie Supporting Actor of the Year para sa pelikulang Everything About Her na gumanap na anak ng bidang si Vilma Santos. Ito ang pangatlong beses na nanalo siya bilang Best Supporting Actor.

Una ay sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students), pangalawa ay saGawad Tanglaw. Present din sa okasyon si Xian kaya personal niyang nakuha ang trophy.

Isa ako sa members ng PMPC at si Xian ang ibinoto ko.

Para sa akin, siya kasi ang pinaka-deserving Manalo dahil ang husay-husay niya sa pelikula lalo na roon sa hospital scene nila ni Ate Vi.

 Sa mga detractor ni Xian na nagsasabi na bano siyang umarte, siguro ay hindi na nila ‘yun sasabihin dahil tatlong Best Supporting Actor na ang napasakamay niya. Ibig sabihin, mahusay nang umarte si Xian, ‘di ba? At least nag-level up ang akting. Hindi gaya ng ibang artista na kahit matagal na sa showbiz ay hindi pa rin marunong umarte.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …