Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion, enjoy sa pagiging producer at composer

NASA Pilipinas na si Marion Aunor pagkatapos magpunta sa mga songwriting conventions sa Los Angeles, California at mag-explore ng songwriting opportunities doon. Nagti-take kasi siya ng songwriting courses via online sa Berklee College of Music.

Live siyang mapapanood ngayong araw, August 30, 8:00 p.m. sa Zirkoh, Tomas Morato kasama ang dalawa pang M na sina Marlo Mortel at Michael Pangilinan entitled Musicali3 (M2M2M).

Bukod sa singing career ni Marion, umaariba rin siya bilang composer. Laking tuwa niya dahil nominado sila ni Ylona Garcia sa original composition ni Marion na Not Your Bae para sa Awit Awards Best R & B Recording.

“Siyempre,grateful na napasama sa nominations ni Ylona ‘yung song na isinulat ko para sa kanya,” reaksiyon ni Marion.

Pati ang album ng anak ni Ogie Alcasid na si Leila ay si Marion na rin ang record producer under Star Music.

“Nakapag-record na po kami ng isang song ni Leila, maganda naman po ‘yung kinalabasan. Magaling po siyang singer,” lahad ni Marion.

“First time ko po maging producer but I’m enjoying the experience and may guidance rin naman po from Sir Jonathan Manalo and Kidwolf (‘yung mga usual ko po na katrabaho na producer) when I have questions,” sambit pa niya.

“Masarap po ‘yung feeling na napapasaya ko rin si Leila by helping her with her music-side and I’m grateful sa trust na ibinigay niya sa akin as producer and songwriter along with Sir Ogie and Star Music,” dagdag pa ni Marion.

Anyway, hindi lang sa Zirkoh, Morato magsasama ngayong Miyerkoles sina Marion at Michael dahil sila rin ang kakanta ng movie theme song para sa launching movie ng MayWard (Maymay Entrata at Edward Barber).

Tampok din sa Musicali3 (M2M2M) sina Marlo Mortel, Kiel Alo, Token Lizares, Hot Girls, Pretty Girls, Lemuel Santos with LS Band, Ryan Tamondong, Natsumi Saito Patrick Quiroz, Lara Lisondra. Patatawanin naman tayo nina Tuod at Alwina. Kasama rin sina Daryl Reynes, Yna Uy , Klinton Start, Maricar Aragon, Patrick Alvarez, Gello Marquez at ang nagbabalik sa pagkanta na si Marc Cubales.

Para sa ibang detalye, tumawag sa 09053595091.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …