Monday , December 23 2024
Helping Hand senior citizen
Helping Hand senior citizen

Drug store lumabag sa Senior Citizen Act

INAMIN ni Atty. Teresa Mikaela Macaspac ang legal services officer ng kompanyang Mercury Drug, na kanilang ipinapasa sa drug manufacturers ang mga diskuwento ng bawat customer nilang senior citizen, na maituturing na paglabag sa isang probisyon ng Senior Citizens Act.

Ang pag-amin ay ginawa ni Macaspac sa kanyang pagdalo sa pagdinig ng House Committee on Trade and Industry na pinamumunuan ni Congressman Ferjenel Biron.

Ikinagulat ni Biron ang sistemang ito ng naturang kompanya dahil ito aniya ay hindi makatarungan.

Ipinagtaka rin ni Biron na sa kabila ng malaking kita ng kompanya ay nagagawa pa ang naturang sistema.

Tinukoy ni Biron sa pagdinig na kumita ang kompanya noong nakalipas na taon ng US$2 bilyones kung kaya’t maituturing na hindi tama ang naturang pamamaraan.

Habang tumanggi si Macaspac na kompirmahin ang ibinunyag ni Biron na kinita ng kompanya, aniya wala siyang nalalaman sa accounting at finance department ng Mercury.

Iginiit ni Biron, hindi rin tama na ikompara ng malalaking kompanya ng drug stores ang kanilang kinikita at puhunan sa maliliit na drug store companies.

Sinabi ni Alberto Echenova, ang pangulo ng Drug Stores Association of the Philippines, hindi kakayanin ng mga katulad nilang maliliit na kompanya ng drug stores ang pagsagot sa mga diskuwento ng senior citizens lalo’t maliliit ang kanilang puhunan at kompanya.

Magugunitang ipinanukala ni Biron ang pagsusuri sa implementasyon ng Republic Act 9502 o Universal and Quality Medicine Act of 2008 at pagkakaroon ng Drug Price Regulatory Board, na naglalayong magkontrol at magbantay sa presyo ng mga produkto ng gamot lalo ang mga gamot sa ilang karamdaman.

(NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *