HAWAK pa rin ni Coco Martin ang trono bilang Primetime King ng ABS-CBN 2. Hindi pa rin ito naagaw ni Daniel Padilla pagdating sa ratings.
Mas pinanood ng mas maraming Filipino sa buong bansa ang mga hatid na aral at makabuluhang balita ng ABS-CBN noong Hulyo dahil bukod sa entertainment programs, tinutukan din ang news programs nito gaya ng TV Patrol at ang special coverage nito ng SONA.
Base sa datos ng Kantar Media, nagkamit ang Kapamilya Network ng average audience share na 46% sa pinagsamang rural at urban homes.Mas pinanonood nga ng mga Kapamilya sa buong bansa ang SONA live coverage ng ABS-CBN na Pangakong Pagbabago: State of the Nation Address 2017″ na nagkamit ng average national TV rating na 16.6%.
Nanatili namang nangungunang news program sa bansa ang TV Patrol(30.8%) sa pagbibigay nito ng mga maiinit na balita at impormasyon gabi-gabi.
Samantala, nanguna ang FPJ’s Ang Probinsyano (37.3%) sa listahan ng mga pinakapinanood na mga programa noong Hulyo sa pagbubukas ng bago nitong yugto sa pagpasok ni Cardo (Coco) bilang parte ng Special Action Force (SAF). Walang humpay din ang naging pagtutok sa La Luna Sangre (34.8%) noong nakaraang buwan matapos ang pinag-usapang transformation ni Malia (Kathryn Bernardo) bilang Miyo at ang paglalapit ng landas nila ni Tristan (Daniel).
Tinutukan din sa telebisyon at maging sa online world ang matinding bosesan sa The Voice Teens (34.2%), na itinanghal si Jona Soquite ngTeam Sarah bilang kampeon. Sumunod naman ang madamdaming mga kuwento ng letter senders sa nagkamit ng 31.1%.
Napukaw naman ang puso ng mga manonood sa mga aral na hatid ng Wansapanataym matapos nitong magkamit ng 28.3%. Katatawanan naman ang hatid ng weekend comedy programs na Home Sweetie Home(23.3%), na sumasalamin sa masaya at matibay na samahan ng pamilyang Filipino, at Goin Bulilit (20.7), na nagpapakita naman ng talento ng mga kabataan pagdating sa katatawanan. Hindi rin naman magpapahuli sa listahan ang Wildflower (23.9%).
TALBOG – Roldan Castro