Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lolit, idinaan sa pagpapatawa ang lungkot ng pagkawala ni Alfie

LATE na nang mag-abiso ang mga kaanak at kaibigan ng yumaong si Kuya Alfie Lorenzo na ikalawa’t huling gabi na pala nakalagak ang kanyang labi sa Faith Chapel ng Arlington noong Miyerkoles.

Kinabukasan kasi’y dinala na ang kanyang cremated remains sa kanyang hometown sa Pampanga.

Gabi ng Miyerkoles ay ginanap ang pamisa ng PAMI, ang asosasyon ng mga talent manager na kasapi si Kuya Alfie.

Mula sa Cristy Ferminute ay dumiretso na kami ni Tita Cristy Fermin doon kasama sina Japs Gersin at Tina Roa.

Halos magkasunod lang na dumating ang grupo namin at ni Lolit Solis. Bungad namin sa halatang pumayat na manager, “O, ‘Nay, bakit ang aga mo? Mamaya pa ang mass, ‘di ba?”

Pabirong naglitanya na si ‘Nay Lolit to justify her early presence, “Una, gabi na ‘yon. Pangalawa, ang request nila (co-PAMI members) sa akin, eh, magsalita ako sa eulogy. Sabi ko, ‘Hoy, sure ba kayo na gusto n’yo ‘kong pagsalitain? Eh, baka away-awayin n’yo ko, ‘no!’”

Isa lang ang kuwelang sasabihin ni ‘Nay Lolit sa eulogy, “Naku, kunwari pa kayo (addressed to her peers), eh, imbiyerna nga kayo kay Alfie noong nabubuhay pa, ‘no! Ang paplastik n’yo! Ha! Ha! Ha!”

At saka niya ikinuwento na bago pala siya mamatay ay nagkausap sila ng kapwa miyembro rin ng PAMI na si June Rufino. Nagpapa-manage kay June si Lito Pimentel na alaga ni Kuya Alfie. Sagot naman ng huli ay okey lang pero nagtataka kung bakit isa-isang iniiwan si Alfie ng kanyang mga alaga.

“O, sasabihin ko, ‘Oy, June, masama ang loob sa ‘yo ni Alfie. At kay Ethel Ramos naman, isa lang din ang sasabihin ko, ‘Naku, paano ba ‘yan, Ethel? Birthday mo (August 1) noong namatay si Alfie, eh, ‘di kapag binati ka ng, ‘Happy birthday, Ethel,’ may kasunod ‘yon, ‘Ay, oo nga pala, kamatayan din pala ngayon ni Alfie Lorenzo!’”

Siyempre, idinaan na lang ni ‘Nay Lolit sa pagpapatawa ang isang pangyayaring labis din niyang ikinalungkot.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …