Wednesday , April 16 2025
pnp police

1,122 PNP personnel iniimbestigahan sa illegal activities

MAY kabuuang 1,122 police personnel ang iniimbestigahan ng Philippine National Police Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) bunsod ng pagkakasangkot sa illegal activities,

Sinabi ni Senior Supt. Chiquito Malayo, PNP-CITF commander, may inaresto na silang 41 PNP personnel at 15 civilians, karamihan ay dahil sa pangongotong, sa nakaraang anim buwan simula nang buhayin ang task force nitong Enero.

Ang PNP-CITF ay nakatanggap ng 1,180 police-related concerns mula sa 7,049 reports and complaints na natanggap sa pamamagitan ng SMS reporting hotline 0998-6702286 at 0995-7958569.

Ayon sa ulat, natukoy ang 249 officers at 873 non-officers na sangkot sa iba’t ibang uri ng iregularidad, ayon kay Malayo.

Mula sa 1,122 police personnel na inireklamo, 641 ang kinilala sa SMS reports bilang sangkot sa ilang mga paglabag katulad ng pagprotekta sa mga ilegal na aktibidad, pagkasangkot sa drug activities, at pangongotong.

Sinabi ni Malayo, iniimbestigahan nila ang 385 personnel mula sa Metro Manila, 147 mula sa CALABARZON, at 14 mula sa Central Luzon.

Sa SMS reports na natanggap ng PNP-CITF, inakusahan ang mga pulis ng pagiging protektor ng illegal activities, drug use and trafficking, extortion, illegal gambling, “hulidap,” physical injuries, illegal logging, unexplained wealth, kidnapping, smuggling, gunrunning, at iba pa. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *