Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Aktres, walang galang sa beteranang katrabaho

DESMAYADO ang mga taong napaghingahan ng sama ng loob ng isang talent manager patungkol sa kanyang alagang aktres.

Kuwento ng manager sa kanyang mga kapwa rin namamahala ng career ng mga artista, ”Nagulat na lang ako noong tinawagan niya ‘ko one time. Binibitiwan na raw niya ‘ko as her manager dahil sayang lang ‘yung ibinibigay niyang 10% commission sa akin. Tinanong ko kung bakit. Ang sagot ba naman niya sa akin, eh, kesyo hindi ko raw magawang kausapin ‘yung production ng ginagawa niyang teleserye. ‘Yun pala, may co-cast member siya roon na isang veteran actress na gusto sanang umangkas sa van paluwas ng Maynila. Sa malayo kasing probinsiya ‘yung taping, pero ayaw niyang pasakayin ‘yung pobreng aktres!”

Dahil doon kung kaya’t nagdesisyon ang mahusay pa namang aktres na bitawan ang manager. ”Okey lang sa akin,” katwiran naman ng sinibak na manager, ”Pero mahiya naman siya sa inasal niya, ‘no! Hindi pa man siya artista, eh, matagal nang nasa showbiz ang taong pinagdamutan niya ng sakay. Respeto na lang!”

Da who ang walang-galang na aktres na ito sa beteranang katrabaho? Itago na lang natin siya sa alyas na Malia Hilahod.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …