Saturday , November 23 2024
Paulo Avelino Goyo: Ang Batang Heneral
Paulo Avelino Goyo: Ang Batang Heneral

TBA Studios, nakipag-partner sa Globe Telecom; naglalakihang pelikula, inilahad

KAHANGA-HANGA ang limang pelikulang inilahad kamakailan ng TBA Studiosdahil magaganda at de-kalidad na pelikula.

Ang TBA Studios ang nasa likod ng mga naggagandahan at blockbuster movie naHeneral Luna, Sunday Beauty Queen, I’m Drunk, I Love You, at Bliss.

Kasabay ng pagpapahayag ng mga bagong pelikula ang pakikipag-partner nila saGlobe Telecom. At bilang panguna sa kanilang proyekto, ang TBA Studios at Globe Studios ay ang kapwa prodyuser ng Goyo: Ang Batang Heneral na idinirehe ni Jerrold Tarog. Ito’y pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Aaron Villaflor, Carlo Aquino, Gwen Zamora, Empress Schuck, Rafa Siguion-Reyna, Mon Confiado, at Epy Quizon.

Ang Globe rin ang tutulong at mamamahala ng pagma-market sa Birdshot, official entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino para matiyak na makararating at mapapanood sa pagbubukas sa Agosto 16. Ito ay pinamahalaan ni Mikhail Red at nagwagi na sa 2016 Tokyo International Film Festival bilang Best Film. Ito’y pinagbibidahan nina Mary Joy Apostol, Arnold Reyes, Ku Aquino, at John Arcilla.

Ang iba pang mga pelikulang handog ng TBA ay ang 1-2-3 ni Carlo Obispo. Ito ay official opening film sa 2016 Cinemalaya Independent Film Festival na pinagbibidahan nina Carlos Dala, Barbara Miguel, Teri Malvar, Sue Prado, atJC Santos. Kasama rin ang Women of the Weeping River, na nag-uwi ng Best Picture, Best Actress kay Laila Ulao sa 2016 QCinema International Film Festival; Best Film sa 2017 Gawad Urian, at Best Director kay Mindanaoan filmmaker Sheron Dayoc sa katatapos ding 2017 Gawad Urian. Bida rin dito sinaSharifa Pearlsia P., Ali-Dans, at Taha G. Daranda.

Ang isa pang sinasabing napakagandang proyekto ay ang crime thriller na Smaller and Smaller Circlers na idinirehe ni Raya Martin at base sa best selling novel ni F.H. Batacan. Ito ay pinagbibidahan naman nina Nonie Buencamino, Sid Lucero, Carla Humphries, TJ Trinidad, Bembol Roco, at Christopher de Leon.

Inihayag din ng TBA Studios ang pagsisimula nila sa film adaptation ng popular graphic novel na The Mythology Class. Ito’y pamamahalaan nina Arnold Arre, ang creator, at direk Tarog.

Bukod sa pagpo-prodyus ng quality films, patuloy ang TBS sa pagpapalawak ng kanilang kompanya sa pamamagitan ng pagbuo ng iba’t ibang klase ng distribution platforms na makatutulong sa pagpo-promote at pagpapayaman pa ang local movie industry. Noong 2016, inilunsad nila ang Cinetropa, ang Filipino-movie streaming sire na binuo para magbigyan ng tamang exposure ang mga Pinoy movie sa ibang bansa gayundin ang Cinema ’76, isang micro cinema na para regular na mapanood ang mga independent film.

At dahil sa tagumpay ng Cinema ’76, inihayag ni Vincent Nebrida, TBA President at Cinema ’76 co-founder, na magbubukas ang micro-cinema ng bago at mas malaking branch sa mga susunod na araw. Tuloy-tuloy din ang pagsasagawa ng sunod-sunod na master class at workshop ang Cinema ’76 para makapagsanay ng mga magagaling na filmmaker.

Tatlong taon pa lamang ang TBA Studios pero marami na rin silang accomplishment at nagawang de-kalidad ng pelikula. Ang TBA Studios ay binubuo ng tatlong movie outfit, ito ay ang Tuko Film Productions sa pamamahala niFernando Ortigas, Buchi Boy Entertainment ni E.A. Rocha, at ang Artikulo Uno Production na siyang nagpo-prodyus ng mga pelikula ni Tarog.

“Despite our age, Nando and I are the oldest babies in the industry,” ani Rocha. “But we’re proud of what we’ve accomplished so far. They call us ‘game changers’, but really, it’s because the audience owned our vision. We want to make films that the Filipinos deserve.”

“We want to produce movies that Filipinos will remember,” sambit naman ni Ortigas. ”We would like that everybody that goes to the movie theaters and sees the TBA branding would know that once they see it, they will enjoy the movie and come out happy with it.”

Tinatapos din ng TBA Studios ang Quezon vs Aguinaldo na ididirehe rin ni Tarog;An American Crucifixion ni E.A. Rocha; The Color of Fire ni TBD; at angGolden ni JP Habac.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *