Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Regine Velasquez Ogie Alcasid
Regine Velasquez Ogie Alcasid

Ogie, natabunan sa birit ni Regine

TODO ang suportang ibinigay ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa mall show para sa bagong album ng kanyang mister na si Ogie Alcasid. Nakipag-duet siya noong Sabado sa Robinson’s Magnolia.

Natawa kami sa sinabi ni Ogie na halos hindi na siya marinig dahil sa tindi ng birit ni Regine. Pero nairaos pa rin na maganda ang duet nila.

Ang medley songs na ito nina Ogie at Regine ay kasali rin sa bagong album na Nakakalokal na isang kakaibang collaboration kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Ito ang unang pagsanib puwersa ng premyadong grupo sa isang solo artist para sa isang album.

Nakapaloob sa album ang anim na original composition gaya ng Nakakalokal, Ikaw Ang Tanging Pag-ibig Ko, Akala Ko, Di na Muli, Di Ka Pababayaan, at Do You Wanna Dance With Me. Ito ay mula sa Star Music.

Of course kasama rin ang mga kantang isinulat ni Ogie na nag-hit gaya ng Kailangan Kita, Ikaw Ang Aking Pangarap, at Ikaw Lamang.

Ang unang album niya sa ilalim ng Star Music ay ipinodyus ni Jonathan Manalo. Ito ay mabibili sa lahat ng digital stores worldwide at lahat ng record bars nationwide.

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …