MARAMI talaga ang nagtitiwala sa kakayahan ni Arnell Ignacio. Pagkatapos siyang kunin ni Pangulong Duterte bilang AVP on Community Relations and Services ng PAGCOR, heto’t nakatanggap siya ng sulat mula sa Metro Manila Film Fesrival 2017 na maging bahagi ng Executive committee, kapalit ng apat na miyembrong nag-resign kamakailan.
Noong ipinadala sa tanggapan niya ang sulat at nagpaalam na rin ang MMFF sa Chairman ng PAGCOR na si Andrea Domingo, nagdalawang-isip siyang tanggapin ito dahil hindi niya alam kung gaano kalaki ang scope ng trabaho at baka magkaroon lang ng conflict sa rami ng trabaho niya sa ginagawa niya sa PAGCOR.
Pero pagkatapos niyang makausap ang ilang miyembro ng MMFF execom, napagdesisyonan niyang tanggapin ito.
Nagpadala ng text messages si Arnell sa PEP para i-inform dito na tinanggap niya ang offer ng MMFF na maging executive committee nito. Narito ang kabuuang message ni Arnell sa PEP.
“I am profoundly thankful and honored to be chosen as one of the members of the executive committee of the Metro Manila Film Festival. I welcome this opportunity to share my humble talent and knowledge to the industry I have known most of my life, and have much to say thank you to. As I sentimentally look back to the years of hosting the MMFF’s glorious parade of stars in the past, I embrace this august task as an invigorating challenge and at the same time as a heart-filled homecoming. In other words, Push mo na! Keri ko ‘yan! Go! Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!”
Ngayong bahagi na si Arnell ng executive committee ng MMFF, ano kaya ang magiging stand niya sa ginawang pagpili sa apat na pumasok na pelikula sa darating na fimfest na ang isa rito ay ang pelikulang The Revengers na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Daniel Padilla. Na ang fearless forecasst namin, ang pelikulang ito ang magiging top-grosser sa MMFF 2017.
Tuwing may entry kasi rito si Vice ay laging ang pelikula n’ya ang nangunguna sa takilya, ‘di ba? Sinamahan pa ito ni Daniel, na alam naman natin na libo-libo rin ang mga tagahanga, kaya sure na talaga kami na ang pelikula na nila ang mangunguna sa takilya. Wanna bet?
MA at PA – Rommel Placente