Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, gagampanan ang buhay ng negosyanteng Pinay sa Australia sa MMK

 

OMAGASH! Ever heard of it? Isang Pinay ang nagpasimula ng nasabing business sa Australia, tinatangkilik na sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay nagawa ni Hershey Hilado na kinikilala ngayong entrepreneur, mentor, social media guru, inspirational speaker, thought leader at marami pang titulo under her hat.

Pero bago ito narating ni Hershey, katakot-takot na pasakit din muna ang kinaharap niya sa buhay. Physical at emotional abuse mula sa mga taong mahal niya ang naging pasanin ni Hershey sa buhay.

Pinatay ang tatay niya ng kanyang tiyuhin. Nagnakaw para maalagaan ang mga kapatid. Pero inihatid siya ng kapalaran sa Australia na nagtrabaho muna sa isang fastfood chain. At naging security control room operator.

Nang mabasa niya ang aklat ni Robert Kiyosaki na Rich Dad, Poor Dad, nabuo ang idea at pangarap niya, to serve, surrender and impact the people.

At ang Omagash nga ang isa lang naman sa mga negosyong naitaguyod niya. It’s a woman’s fashion label na nakakalat na sa 16 bansa. At may platform na ruta.com na inirerekomenda niya ang best travel destinations sa South East Asia sa mga mahilig maglimayon sa ibang bansa.

Ang life story niya ang bibigyang-buhay nina Yesha Camille as 1st Gen. Hershey;Iyanna Angeles as 2nd Gen Hershey, at Ria Atayde as 3rd Gen Hershey; kasama sina Ryle Santiago as 3rd Gen ; Maritez Samson as Tita Beng; Aleck Bovick as Emy; Celine Lim as 2nd Gen Emelyn; Denise Joaquin as 3rd Gen Emelyn; Rhed Bustamante as 1st gen Emelyn; Simon Ibarra as Insoy; Jordan Hong as Lee, atErnie Garia as Dongdong, sa Sabado July 22 MMK (Maalaala Mo Kaya) mula sa panulat ni Mae Rose Balanay at direksiyon ni Dado Lumibao.

HARDTALK – Pilar Mateo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …