Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Super Tekla, umaasang bibigyang muli ng pagkakataon ni Willie

 

SA isang maliit na inuupahang bahay sa Barangay Olympia sa Makati City nakatira ngayon si Super Tekla, malayo sa mukha ng kanyang tinamasang pamumuhay bago natanggal bilang host ng Wowowin.

Sa kabila nito, mukhang masaya naman ang TV host-comedian. May aura ng acceptance o pagtanggap sa kanyang sarili ang kinahinatnan ng mismong pagkukulang niya that led to his termination mula sa programang lumikha sa kanya.

Life goes on para kay Tekla. Pa-guesting-guesting muna siya sa TV at baka ngayon nga’y muli nang nakabalik bilang standup comedian sa mga comedy bar.

Ang kuwento ni Tekla ay kapupulutan ng aral ng marami sa ating mga artista. At one point sa kanilang career ay parang wala nang katapusan ang kanilang kasikatan only to find their stars fading out dahil sa kanilang kagagawan na rin.

Ang cause ng downfall ni Tekla ay siya rin ang may gawa. Ang maganda lang sa TV host na ito, kasabay ng pag-a-acknowledge niya sa kanyang mga pagkukulang ay bitbit niya ang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa taong nagbukas sa kanya ng pintuan ng oportunidad, si Willie Revillame.

Sa ngayon, umaasa pa rin si Tekla na isang araw ay makakatanggap siya ng tawag mula mismo kay Willie para pabaliking muli sa Wowowin. Pero kung kakilala ng mga taga-showbiz ang TV host, nais niyang bigyan muna ng leksiyon si Tekla.

And it will take time bago magkaroon ng katuparan ang minimithing pagbabalik ni Tekla sa trabahong pinahalagahan at iningatan lang niya nang sandaling panahon.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …