Thursday , December 26 2024

Paolo, 3 mos. nagkulong sa bahay dahil sa depresyon

 

KITANG-KITA ang excitement ni Paolo Bediones sa bago niyang project saCignal Entertainment, ang musical-talk show na Good Vibes With Paolo.

Ayon kay Paolo, naniniwala siyang buhay na buhay ang OPM. ”Marami pa rin kasing mga banda na gustong makilala at mai-share ang kanilang music. Dito sa show namin, gusto ko rin lang i-share ‘yung passion ko for music. Kaya ‘yan ang tinarget ko,” ani Paolo na inspiring ang show base sa nakita naming teaser.

Sey ni Paolo, makiki-jam siya sa mga magiging special guests niya sa show at balak din nilang i-record (in digital format) ang mga original songs na maririnig n’yo saGVWP para maiparinig sa mas malawak na market.

Samantala, napag-usapan ang kinasangkutang sex video scandal ni Paolo three years ago at nalaman naming dumaan pala sa matinding depression ang magaling na TV host.

Aminado si Paolo na hindi madaling kalimutan ang nangyaring iyon sa kanya dahil mawalan siya ng trabaho sa TV5 bilang news anchor at kabi-kabila ang pamba-bash sa kanya.

Itinuturing nga niyang isang bangungot ang pangyayaring iyon. ”It was really bad, pero hindi naman suicidal, pero dumating sa punto na ayoko nang lumabas ng bahay. The shame, siguro mga first two, three months, parang, ‘Ano nga ba ang gagawin ko?’ Na-depress ako about a year, but nawala ang depression when I decided to just get up and continue with my life and work. Nag-host din ako ng mga event.”

Bukod sa nawalan siya ng trabaho sa TV5, kaunti na rin ang kumuha sa kanyang serbisyo kaya naman nag-aral na lamang siya muli at kumuha ng Master’s sa AIM, Masters in Entrepreneurship.

Ang GVWP ay isa lamang sa mga inilunsad na show ng Cignal Entertainment na mapapanood. Kasama rin dito ang kauna-unahang miniseries nilang Tukhang, isang crime drama na nagpapakita ng mga kaganapan ukol sa war on drugs. Ito ay fuor part series na idinirehe ni Lawrence Fajardo at tinatampukan nina James Blanco at Karen Marquez.

Kasama rin dito ang Tabi Po, Advocasine 1&2, at ang prequel ng pelikulang Die Beautiful, ang Born Beautiful.

At para makatiyak na makapagbibigay sila ng quality shows, nakipag-partner ang Cignal Entertainment sa Sari Sari Network, Unitel, Percy Intalan’s Idea First,Wilma Galvante’s Content Cows, at Masque Valley Productions. Binuksan din nila ang pagkakataon para i-invite ang mga kabataan, up and coming content creators, directors, producers, at writers na makipag-collaborate sa kanila sa pamamagitan ng CineFilipino.

For the meantime, get ready muna sa panonood ng Tukhang sa July 22, sa Colors, SariSari, at Bloomberg TV Philippines sa Cigna.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *